July 11, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Senador suki ng paliparan
(Boyet Jadulco)

Isang miyembro ng Upper House ang suki na raw ng paliparan sa bansa dahil sa hilig nitong sumakay ng eroplano para mangibang bansa.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE, mas marami pa umano ang inilagi ng senador na ito sa ibang bansa kaysa sa araw na pinagtrabaho nito sa Senado.
Naka-20 araw nga raw sa ibang bansa ang mokong kung saan ipinangalandakan nitong nasa official mission siya kahit na pamamasyal lamang ang ginagawa sa ibang bansa.
Kung kukuwentahin, halos pitong linggo na hindi pumasok ang senador sa sesyon sa kanilang kapulungan dahil sa paglalandi nito sa mga banyagang kababaihan.
Malimit daw nitong puntahan ang isang bansa na maraming mestiza, marahil ay nagsawa na sa mga Pinay kung kaya’t ibang putahe naman ang pinagdidiskitahan.
Minsan nga raw ay isinama pa nito sa kanyang kalokohan ang tatlong senador na tapos na ang termino. Kinuha pa nila ang gastos sa kaban ng bayan kahit na hindi na sila titulado dahil sa tapos na ang kanilang termino.
Kinapalan ng lang daw ng senador ang pambababoy sa pondo ng bayan pero isa sa isinama niya ay hindi nakatiis nang kumalas sa kanilang biyahe dahil pera ng gobyerno ang kanilang ginagamit gayung hindi na sila miyembro ng kapulungan.
Minsan na raw sinita ng isang beteranong senador ang hilig nitong pangingibang-bansa subalit tila hindi na yata nakakaintindi ng Tagalog ang mambabatas dahil sa hindi na niya ito inintindi.
Agrabyado raw kasi itong beteranong senador dahil malimit siyang pumapasok sa sesyon ng Senado subalit nagkaroon pa siya ng absent samantalang ang matandang senador na palaging nasa ibang bansa ay nagkaroon pa ng “perfect attendance”.
Clue: Ang senador na ito ay kilalang balimbing lalo na kung mapapakinabangan niya ang partido o paksyon na kanyang lilipatan. Kilalang matulis ang senador at kahit na staff nito ay pinapatos basta’t pumapasa sa kanyang panlasa. Ang palayaw nito ay kasintunog ng tawag ng mga bisaya sa kanilang mga kaibigan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES