UMAARIBA pa rin ang mga kabulastugan at katatawanan sa Bubble Gang ngayong Biyernes nang gabi!
Sa X ay may limang bersyon ang patalastas ng Axe.
Ang IYO TUBE WITH MOYMOY ay music video na nagtatampok kay Moymoy Palaboy.
May GAGS ng mga eksena kapag babagsak ang isang eroplano.
Sa HAPLOS NI DOC, may pagnanasa ang bading na doktor (Bitoy) sa kanyang pasyente (Dennis Trillo) kaya pinalabas niya sa kuwarto ang misis nito.
Sa LAYA NA, dumating ang araw na pinakahihintay ni Boy Puga. Kaso, tila kinakadyot siya ng malas…
May mga bagong pautot si GAGAMBALA (Bitoy) na nakakagambala sa buhay-buhay ng mga tao.
Sa SURVEY LANG, masyadong personal ang mga tanong ng taga-survey (Bitoy) sa isang misis (Francine Prieto).
Sa HEARING TONES, kamatayan ang hatol ng korte sa isang lalaki. Sa kalagitnaan ng paglilitis, may personal phone calls ang mga taong kaugnay sa kaso.
Sa AGRESIBO, ang isang lalaki (Ogie Alcasid) ay nililigawan ng isang babaeng Brazilian (Daiana ng Eat Bulaga).
Sa GASBOY KULIT, makulit ang gasoline boy (Ogie) na nagseserbisyo sa kustomer (Dennis) na nagpapa-full tank.
|