July 11, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Chris Tiu, nire-request sa ‘Wish Ko Lang’
Joe Barrameda
 

BONGGA ang presentation ng production people ng Codename: Asero na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista.
Ayon sa SVP for Entertainment ng GMA 7 na si Ms. Wilma Galvante ay ang seryeng ito ang pinakaambisyoso at pinakamagastos na produksyon nila sa taong ito.
Sa Dubai pa lang kung saan kinunan ang mara­ming eksena ay malaki na ang nagastos.
Saksi kami sa laki at magarbong produksyon doon with matching production counterpart na tagaroon.
Nang dumating kami sa AFP Theatre na ve­nue ng launch ng Codename: Asero ay nagreklamo kami dahil hindi iyon accesible sa mga kasamahan sa pa­nulat.
Kapag umuulan na, obli­gado kang magtaxi papasok sa mahigpit na base militar ng Pilipinas.
May rason naman pala kung bakit doon ginawa. Gumamit sila ng mga tangke sa presentation na ipinasok sa AFP Theatre.
Sobra ang excitement ng cast ng Codename: Asero, lalo na ang bida na si Richard Gutierrez na may involvement sa creative team ng programa.
*** 
Kasama si Michael V sa Codename: Asero.
First time ni Michael V na makasama sa isang TV series sa tagal ng panahon na nasa GMA 7 siya.
Si Michael V ay sa comedy programs, nali­linya gaya ng Bubble Gang tuwing Biyernes  nang gabi plus Bitoy’s Funniest Video tuwing Sabado nang gabi.
Speaking of Bubble Gang, sina Dennis Trillo, Vandolf Quizon, Tuesday Vargas at Yna Asistio ang mga panauhin dito mamayang gabi sa GMA 7.
Pero excited kaming panoorin si Daiana ng Eat Bulaga na may eksena rin sa Bubble Gang.
Siya ang lagi naming pinapanood sa EB araw araw.
*** 
Kasali rin sa Codename: Asero si Chariz Solo­mon para magbi­gay ng mga katatawanang eksena. 
Marami na ang nakakapansin sa galing ni Chariz sa comedy, mapatelebisyon man o sa pelikula.
Masuwerte itong alaga ni John Fontanilla na bumubuhay sa mga kapatid.
*** 
Tuwang tuwa na ibinalita sa amin ni Ms. Marivin Arayata (na nasa Days Inn Hotel pa rin sa Anaheim, CA kasama ang pa­milya) na nanalo na naman ang Ateneo Blue Eagles.
Gaya ng dati ay mala­king factor ang ginawa ng host ng Pinoy Records na si Chris Tiu sa ikinatagumpay ng team. Maski ang kakauwi lang na co-host niyang si Manny Pacquiao ay sumilip sa basketball court para suporta­han ang birthday boy na si Chris Tiu.
Ibinabalik lang ni Manny ang suportang ibi­nigay sa kanya ni Chris nang dalawang beses itong bumiyahe papuntang Las Vegas para suportahan ang pambansang kamao.
Dahil likas na mabait si Chris ay maraming blessings na dumadating sa basketball hero.
Nire-request siya ng Wish Ko Lang. May sumulat sa kanila na wish makita nang personal ang guwapong host at basketball cager.
*** 
Walang naganap na sulutan ng role sa Dyesebel.
Guest lang si Kevin Santos sa Dyesebel at bagay sa itsura niya ang role na mayamang boyfriend ni Sheila Mae na kontra kay Aljur Abrenica.
Tama lang ang role ni Hero Angeles bilang kapa­tid ni Aljur. Magkakulay ang dalawa.
Ang production ang nagbigay ng role kay Ke­vin bilang Fonsy na an­ytime ay magbababu na sa Dyesebel at naroon pa rin si Hero.
Naku, Jun, ikaw na ba ang manager ni Hero nga­yong nasa ibang bansa si Kuya Germs?!

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES