MAS sexy at mas mature na Heart Evangelista ang mapapanood sa Codename: Asero bilang si Emily San Juan, ang dalagang OFW na iibigin ng bidang si Richard Gutierrez sa bagong action-adventure series ng GMA-7 na magsisimula sa Lunes.
Sa kanyang belly dancing scene sa Codename: Asero ay kitang-kita ang kurbada ng kanyang katawan at ang galing niyang kumembot at gumiling. 
Bahagi ba ng kanyang paglipat sa Kapuso network ang pagkakaroon ng sexier image ni Heart?
“Hindi, nagkataon lang talaga. Alam mo, ‘yung belly dancing scene na ‘yan, hindi naman ‘yan ‘yung buong ano... small lang ‘yung part na ‘yon.
“Natuwa lang sila kaya they made it such a big thing. But no, it doesn’t mean na magse-sexy ako. I will still not pose for a men’s magazine, like ‘yung mga FHM, Maxim... no, no, no!
“Kaya nga iniingatan ko, like kunwari, ‘pag may mga guesting ako, I make sure na hindi sexy ‘yung mga outfit ko. Because I wanted to differentiate ‘yung character ko at kung sino ako.
“Pero okey rin na parang now, I’m different. Iba naman din ‘yung makikita nila. So, it’s part of growing up,” dayalog ni Heart nang matsika namin siya sa press launch ng Codename: Asero kamakalawa sa AFP Theater.
***
Mula nang maging Kapuso si Heart Evangelista ay tila naging daring siya sa kanyang pananamit.
Sa nasabing press launch ay maraming nagulat sa magandang hubog ng kanyang katawan.
Agaw-pansin ang kanyang boobs na tila biglang lumaki at naging prominente.
Nagparetoke ba siya ng dibdib?
“It’s Victoria’s Secret, my dear! Ha! Ha! Ha!” mabilis na sagot sa amin ni Heart.
“It’s ‘yung (bra) na may air something, may pump. That’s it! Ha! Ha! Ha! No, walang enhancement!”
Ang puwet niya, parang biglang tumambok…
“Ay, that’s workout! Actually, marami lang kayong napapansin dahil never ko actually na-expose ang sarili ko na ganito. Pero matagal nang ganyan ‘yan! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.
Eh, bakit parang masyado raw naging perfect ang shape ng butt niya ngayon? Pina-enhance niya ba ito?
“Ah, ‘yun ang pinaghirapan ko. I’ve worked out a lot sa house ko. Tumatakbo ako roon. At saka pumayat ako.
“Nagwo-workout ako everyday. Every minute of my life is busy now. Lagi akong may ginagawa. Tapos sa umaga, nagwo-workout ako parati bago ako magtrabaho.
“Kahit pa sabihin mong 7:00 AM ‘yung calltime ko, 5:00 AM, nagigising na ako, nagwo-workout na ako.”
Bakit ngayong nasa Siyete na siya ay saka lang niya naisipang medyo magpa-sexy?
“Well, minaximize ko ‘yung kaya kong ibigay nu’ng time na ‘yon (na nasa ABS-CBN pa ako). Pero siguro ngayon, after everything that I’ve gone through… and it’s parang another step or another phase in my life. Iba naman,” sey ng 23-anyos na dalaga.
***
Sa ipinakitang teaser ng Codename: Asero ay tila marami silang halikan ng kapareha niyang si Richard. Ilan ba ang kissing scenes nila rito?
“Marami, eh! Ha! Ha! Ha! Napakahusay ni Richard dahil...” bitin niyang sagot.
Napakahusay humalik ni Richard?
“Hindi, hindi. Napaka-professional niya. Ako nga, nagugulat din ako kahit paulit-ulit ‘yung take namin, okey lang!”
So, paano humalik si Chard, mahusay rin ba?
“Okey lang! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Heart.
“Okey lang. Okey naman. Siyempre kasi, ‘pag nandu’n kayo sa eksena, may kaba, may ano… so, hindi mo naiisip ‘yung moment na naghalikan kayo,” aniya.
Naninibago ba siya na iba na ang kahalikan niya ngayon?
“Naninibago ako dahil I’m open to kissing scenes now, period,” naka-smile niyang sagot.
Dati kasi ay puro ang ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales lang ang nakakahalikan niya?
“Ah-huh, ah-huh?! I don’t know! Ha! Ha! Ha! Who? Sino??” tila nagmamaang-maangan na hirit ni Heart, sabay tawa.