July 11, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
11 H.S. students huling bumabatak
(Lily Reyes)
 

Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang 11 high school students na kinabi­bilangan ng dalawang babae at siyam na lalaki na pawang mga nakasuot pa ng kanilang uniporme matapos maaktuhang humihitit ng pinatu­yong dahon ng marijuana kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng QC Police District-Kamuning Station 10 ang mga hindi na pina­ngalanang estudyante na nasa pagitan ng 14 hanggang 17 taong gulang at mga nag-aaral sa Quezon City National High School.
Ayon kay QC Police District director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, may tumawag sa nasabing himpilan ng pulisya kaugnay sa mga estudyante na umano’y kasalukuyang humihitit ng marijuana sa isang bakanteng lote na malapit sa nasabing paaralan sa Kamuning, Quezon City pasado alas-6:30 kamakalawa ng gabi.
Agad namang rumes­ponde ang mga pulis at naaktuhan pa umano na nagpa-pot session ang 11 estudyante kaya dinala sila sa presinto.
Sa pag-iimbestiga ng pulisya, sinabi umano ng isa sa mga naarestong estudyante na 14-anyos na isa sa kanila ang nagyaya na mag-marijuana. Labasan na umano sa klase ng mangyari ang pot session.
Ayon kay Gatdula, sasampahan ng kaukulang kaso sa droga ang 11 estudyante na nakatakda umanong i-turn over sa Department of Social Workers and Development (DSWD) dahil pawang mga menor de edad pa.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES