July 11, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Student power pinatikim vs oil hike
(Aries Cano/Jun Tadios)
 

Nagparamdam na ng himutok ang daan-daang mga kabataang estudyante mula sa tatlong unibersidad sa Maynila matapos mag-walk-out sa kanilang silid-aralan at lumabas ng eskwelahan bilang protesta sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sama-samang nag-walk-out ang mga estud­yante ng University of the Philippines-Manila, Adamson University sa Ermita at Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa upang ipakita ang kanilang pagkadismaya sa kabiguan ng gobyernong umaksyon sa serye ng pagtataas ng presyo ng langis.
Sinamahan din ang mga mag-aaral ng kanilang mga propesor sa protesta upang igiit ang pagsuspinde sa 12 porsiyentong expanded value-added tax (EVAT) sa produktong petrolyo at rebisahin ang Oil Deregulation Law na siyang dahilan kung bakit naghihirap umano ang mga Filipino.
Hayagang sinabi ni Jigs Tenorio, tagapagsalita ng UP-Manila Student Council na nais nilang ipakita sa sambayanang Filipino na suportado nila ang mariing pagtutol sa anti-people policies ng gobyernong Arroyo.
Ilan sa grupo ng mga estudyanteng nagmartsa mula España patungong Don Chino Roces Bridge (Mendiola) at nagsunog ng effigy ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa pagtataya ni Supt. Ricardo Layug Jr. ng Manila Police District, aabot sa 450 ang bilang ng mga estud­yante na sumama sa rally.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES