Inihahanda na ang muling pagbabalik ng derbies sa Roligon Mega Cockpit, sa pamamagitan ng “Hatawan Sa Taglugon 4-cock derby” sa July 29 (Martes) sa pamamahala mismo ni cockpit owner Rolly Ligon.
Si Mr. Ligon ay aasistehan ng kanyang anak na si Dennis na itinalaga kamakailan bilang bagong general manager at nina Shirley at Tiling Capitan.
Nakataya rito ang garantisadong P400,000 habang P8,800 ang entry fee at P4,400 ang minimum bet.Tatanggap ang handler ng P30,000 at P15,000 sa gaffer.
Tuloy pa rin ang malakas na hackfights sa Roligon tuwing Linggo at katunayan ay inilarga ang 50 sultada noong July 6.
“Lahat ng mga promoters na gustong magdaos ng derby o Fastest Win events, maaari nang magpareserba ng iskedyul,” pahayag ni Dennis Ligon.
Mangyaring tumawag lamang sa 851-2275; 853-1638 at 852-9812 o 0920–9509090.
|