July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  “Winner Take All” 2-cocker sa Las Pinas ngayon
 
 
Isa pang “Winner Take All 2-cock derby” na muling pasisiglahin ng mabibilis na sultada ang lalarga ngayong alas –siyete ng gabi sa malamig at komportableng Las Pinas Coliseum.
Ayon kay pit manager Abu Centeno, ikakasa muli ang “express format” kaya makakaasa ng walong sultada kada oras ang mga apisyonado.
Host ngayon ang kilalang sultador na si Odeng “Tari” Jaraba na nag–imbita ng mga sultador mula sa iba’t- ibang sabungan sa Cavite, Laguna at Metro Manila.
Samantala, inabisuhan ng LPC management ang mga kasali na inihanda na ang mga battle stags para sa screening ng “Annual LPC 7-stag derby” .Nakalinya ang stagfest sa Aug. 21 at 23 taya ang P1.2 milyon sa entry fee na P22,000.
Sa unang linggo ng Agosto ang umpisa ng screening dito at maaaring dalhin ang mga stags tuwing Sabado at Linggo sa LPC office.Tumawag lamang sa 873-1040 at 872-5456 (hanapin si Julius, Grace o Aque).

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES