July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Pinoy coach babalik sa Indonesia
(RC)
 
Balik ang Filipino coach na si Salvador ‘Bong’ Ramos sa Indonesia upang manduhan ang isang commercial team na Cahaya Lestari Surabaya Knights para sa Indonesian Basketball League.
Si Ramos ay naging head coach na rin Indonesian national men’s team sa 2003 Vietnam Southeast Asian Games at ng Pelita Jaya sa IBL matapos maglaro na rin sa nasabing Indon professional league suot ang Pelita Jaya jersey.
Natrangkuhan niya ang Aspac sa apat na sunod na kampeonato sa IBL kung saan minsan na rin siyang naging Coach of the Year.
Naging head coach na rin si Ramos sa Philippine Basketball Association sa Air21 (dating FedEx) noong 2005, assistant coach pagkaraan sa Talk ‘N Text at Barangay Ginebra San Miguel noong 2002 bukod sa coach sa nabuwag na Metropolitan Basketball Association.
Produkto siya ng Mapua sa NCAA at moyemmbro ng 1981 champion na Cardinals.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES