July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Blue Eagles, Warriors sasakmal ng 2nd win

(Mark Escarlote)

 

Standings W L
Ateneo 1 0
UE 1 0
FEU 1 0
UP 1 0
Adamson 0 1
UST 0 1
La Salle 0 1
NU 0 1

Ikalawang sunod na panalo ang kapwa sinisipat ng University of the East Red Warriors at ng Ateneo Blue Eagles kontra sa kani-kanilang mga karibal ngayon sa pagpapatuloy ng men’s basketball action sa 71st season ng UAAP sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Unang lalarga sa curtain-raiser ng alas-dos ng hapon ang duwelo ng Red Warriors at ng National University Bulldos habang maghaharap ang Blue Eagles at Adamson University Falcons sa alas-kuwatro.
Hawak ng 2007 runnerup UE ang mataas na momentum dala ng 78-73 pagdaig sa 2006 champions University of Sto. Tomas Growling Tigers noong Sabado kumpara sa Bulldogs na manggagaling naman sa nakakadismayang 72-86 paglubog sa kamay ng season-host University of the Philippines Fighting Maroons noong Linggo.
Lamang rin sa lalim ng mapaghuhugutan ng puntos ang Red Warriors sa pangunguna nina Elmer Espiritu, Hans Thiele at Marcy Arellano ngunit tiyak na gigil namang makaresbak ang NU, na sasandal kina Jonathan Jahnke, Raymond Aguilar, Jessey Garcia at Edwin Asoro.
Nais namang sundan ni Ateneo coach Norman Black ang kanyang malaking tagumpay laban sa kanilang mahigpit na karibal na defending champions La Salle Green Archers, 79-73, noong Linggo.
Ngunit aminado pa rin si Black na magiging mahirap na katunggali ang Adamson, na bagama’t dinaig ng Far Eastern University, 71-74, noong Sabado ay nagawa naman makipagsabayan hanggang sa huli.
“Adamson played well the last time so it’s gonna be hard,” ani Black. “They are a very big team, a very talented team. And they are very well coached, so I expect a tough game.”
Ibabandera muli ni Chris Tiu, na nagtala ng 26 points sa kanilang huling salang, ang Katipunan-based squad katulong ang suporta nina Rabeth Al-Hussaini, Eric Salamat, Nonoy Baclao at rookie Ryan Buenafe, na may impresibong walong markers sa kanyang debut game sa collegiate league.
Magiging sandigan naman ng Falcons, na muling minamanduhan ni coach Leo Austria, sina Michael Galinato, Jan Colina at Paul Gonzalgo.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES