BEIJING (AP) --- Nagbabala ang Chinese authorities sa Olympics fans sa mahigpit na pagpapatupad ng seguridad sa taong itong 29th Summer Olymnpic Games, kabilang ang pagbabawal sa lahat ng bagay mula sa radioactive materials hanggang sa pagdadala nang mahahabang payong.
Iniulat kahapon ng opisyal na Xinhua News Agency na maraming tickets holders ang ‘di nagpapahalaga sa listahan ng ban na mga item na kinabibilangan ng cigarette lighters, beverages at lahat ng toxic o puwedeng magliyab na bagay-bagay.
Ang reminder ay kasunod sa report na paghihigpit na security para mabantayan ang anumang mga pagtatangka sa isabote ang quadrennial meet na susulong sa darating na Agosto 8-24.
|