July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  ONE DOWN, ONE TO GO
Ni VLADIMIR EDUARTE
 
Napatalsik sa laro si Talk ‘N Text import Terrence Leather kagabi, pero nanatiling buhay ang Phone Pals sa 2007-08 SMART-Philippine Basket­ball Association Fiesta Conference do-or-die wildcard phase. Ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs ang napatalsik na at nagbakasyon sa season.
Ibinaon ng TNT ang P’foods, 98-83, sa mainit at tadtad ng technical fouls na second game sa Ynares Center sa Antipolo City kagabi. Dahil sa panalo, naihulma ng Phone Pals ang isa pang do-or-die game bukas kontra Sta. Lucia Realty sa kaparehong playing venue.
Tumikada ng career-high 27 points si Joseph Yeo para pangunahan ang Realtors sa pagpapatalsik sa defending champions Alaska Milk, 99-86, sa unang game. Magkakaalaman bukas kung sino sa TNT o SLR ang sasampa sa quarterfinals at hahamon sa naghihintay na Barangay Ginebra San Miguel.
Sa ika-limang laro lang niya sa pro-league, ejected sa game si Leather dahil sa dalawang technical fouls, may 9:38 pa sa orasan. Sa laro ng Phone Pals kontra Brgy. Ginebra noong June 29, natawagan din ng dalawang technical fouls si Leather dahil sa verbal altercation at tripping without contact.
Pinagmulta siya ng tanggapan ni PBA commissioner Sonny Barrios ng P5,000 sa unang insidente.
Hindi pa masigurado kung kumpleto ang hukbo ni coach Chot Reyes sa laro bukas na magdedesisyon kung magtatagal pa sila o magbabakasyon na nga­yong season, dahil hindi pa malaman kung anong parusa ang ipapataw ng Commissioner’s Office sa ikalawang insidente na kinasangkutan ni Leather.
Lamang ang Phone Pals, 79-63, hawak ng Purefoods ang bola nang tatlong beses magbalyahan ang dumidiskarte ng tirang si Jondan Salvador at bantay na si Leather. Naggirian ang dalawa, tinawagan ng magkasunod na personal at technical fouls si Leather bago binato ng bola si Salvador.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES