July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


Agent Zero -- zero hangin, 100% humble
TJ Manotoc
 
Mapalad akong mapasama sa piling grupo ng mga mamamahayag na binigyan ng imbitasyon ng Adidas na makapanayam ng 1-on-1 ang Washington Wizards star na si Gilbert Arenas. Bago pa kami makapasok sa kuwarto, nag- uusap na kami sa labas kasama ang ibang sportswriters at reporters. Natiyempong nabanggit ng kasama naming si Chino Trinidad na napakabait daw at walang ka-ere ere ang Wizards star na kilala sa kanyang tapang sa end game.
Pagpasok palang namin sa interview area, malaki ang ngiti ni Gilbert at siya pang lumapit para kamayan kami. Sa unang sulyap palang kita mo na ang charisma ng mama at ang tunay niyang galak na makasama ka bilang mamamahayag na iinterbiyuhin siya. Lalong nakakahanga yun kasi hapon na yun at marami na siyang nadaanang mga interview. Kung ganon ang isang tao, pagod na yun at maaring lumabas ang true colors kung siya’y masungit o may ere. Pero hindi itong si Agent Zero, zero nga takot niya sa court, pero zero din ang hangin nya sa kanyang pagkatao. Yan ang hinahangaan sa mga NBA superstar.
Nang makausap na namin siya, aminado siyang enjoy na enjoy siya sa Pinas. Kinumpara pa nga niya ang maikling bisita niya dito sa bansa kumpara sa ibang mga napuntahan na niya sa tour niya, at ayon sa kanya, ang Manila ang da bes na bahagi ng tour niya dahil sa bait ng mga tao at napakainit na pagtanggap daw sa kanya ng mga fans.
Tiyempo din na nung araw na lumipad si Arenas papasok mula China ay lumabas yung balita na kumpirmado na ang bagong kontrata niya sa Wizards, isang 6-year contract na sa tumataginting presyo na $111 million! Tinanong ko siya kung ano pakiramdam na makabilang na din sa $100 million club.
Sabi niya di pa nga daw masyado tumatama sa kanya at `di pa niya lubusang maramdaman. Bagamat masaya siya dahil ang hiniling niyang maximum na mabibigay ng Wizards ay binigay nga, pero nag-iwan pa siya ng additional na $16 million para daw may dagdag budget pa ang team na mag-shopping ng mga desenteng free agent na makakatulong sa kanila sa kanilang hangad na umusbong sa playoffs sa Eastern conference.
Kung nakita niyo na ang bagong shoe line ni Arenas sa Adidas, magugulat ka. Hindi ito basta-basta pang karaniwang disenyo ng basketball shoes. Unang-una, low cut ito. Mas sanay daw siya kasi sa low cut dahil nung bata pa siya, di daw niya na ma-afford ang mga mamahaling high cut, kaya’t nasanay na niya ang sarili sa low cut, at hanggang ngayon, yun na din ang gamit-gamit niya. Ang mga kulay ay kakaiba, may gold and black, may orange, at mayroon pa ngang dilaw na may tweety bird design, yun daw ang kanyang paborito.
Lumalabas daw talaga ang personality niya sa mga desenyo ng kanyang sapatos. Kita mo ang pagka-kenkoy at kalog niya. Pero kapag suot na niya ang ito sa court, seryoso na ang mukha ni Agent Zero, tulad ng kasersyoshan na nasaksihan niya sa UAAP.
Napanood kasi ni Arenas ang 1st quarter ng Ateneo at La Salle. Bagamat below the rim daw ang laro ng mga batang Pinoy, bilib naman siya sa skill level nila, at pati na rin sa crowd ng Ateneo at La Salle. Di makapinawala si Arenas sa ganun klaseng pag-cheer ng mga basketball fans at bibihira ka daw talagang makakita ng isang higanteng stadium na hati sa gitna, isang blue, at isang green.
Pagdating naman sa laro niya, sabi ni Arenas na gusto pa niyang higitan ang mga nagawa na nya. Ipapatuloy daw niya ang kanyang fearless play, tulad ng mga pagtira niya ng endgame shots (mayroon siyang streak dati ng 19 straight buzzer beaters). At gusto niya talagang mag-improve ang young team niyang Wizards para maabot pa nila ang kanilang pinapangarap.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES