Save by the bell ang nangyari sa pag-file para sa rookie draft ni Gabe Norwood ng Hapee Toothpaste, na nakaabot sa deadline ng PBA para sa Fil-foreign players.
Nag-file ng application si Norwood kasama ang tumatayong manager na si Mark Chan. Mayroon na si Norwood ng certification mula sa Bureau of Immigration na nagpapatunay na hindi siya blacklisted at mayroon din siyang Philippine passport kung saan nakasama siyang naglaro sa Fiba-Asia Olympic Qualifying Tournament sa Tokushima, Japan noong isang taon.
Good luck!
***
Sa katatapos nga palang 2008 SMART-PBA Fiesta Conference 2nd round eliminations, nangunguna sa scoring si Talk ‘N Text import Terrence Leather na may average na 34.6 points per game.
Kasunod si Steven Thomas na may 23.9, Welcoat Paints’ Marquis Gainous 22.8, Barangay Ginebra San Miguel’s Mark Caguioa 22.7, Coca-Cola’s Jason Dixon 22.6, Red Bull Energy Drink’s Adam Parada 21.6, Ginebra’s Chris Alexander 20.5, Talk ‘N Text’s Randy Holcomb 20.4, Purefoods Tender Juicy Hoptdogs’ James Yap 19.22, at Sta Lucia Realty’s Lee Benson 19.20.
Sa rebounds ay una si Alexander sa 22.4. Pinangunahan ni Jay-jay Helterbrand ng Ginebra ang assists sa average na 6.0. Sa three point shot percentage, may 48.9% per game si Larry Fonacier ng Alaska Milk para mag-number one. Si Ryan Reyes ng Sta. Lucia ang nanguna sa steal na may 2.7 ave.
***
Hayaan ninyong bigyan-pansin ko naman ang naganap na palaro ng ahedres kung saan giniba ni former Shell National Youth Active Chess Champion Dharim Bacus ng Davao City si veteran campaigner Clement Valledor sa seventh at final round para magkampeon sa katatapos na 1st Saturday Magnolia Non-Master Active Chess Tournament nitong weekend sa Perez Building, Dona Soledad corner Australia Street sa Paranaque City.
Tinalo ni Bacus ang lahat ng nakalaban niya sa seven-round Swiss system format tungo sa pagsukbit ng titulo, na may trophy at top prize P3,000 cash sa event na ang nagsilbing punong-abala ay si sportsman Florencio Bernabe, Jr.. sa pakikipagtulungan ng Magnolia Health Tea Drinks. |