July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Stalker
Tita Nora
 

Dear Tita Nora,
Itago mo na lang ako sa pangalang Sarah. May la­laking dating laging naghahabol sa akin pero ngayon ay parang ako na yata ang maghahabol.
Kung sa personality kasi ay masasabi kong wala siyang hitsura. Panay ang paramdam niya sa akin noon kaya lagi tuloy siyang tinutukso sa akin, na talaga namang sobra kong ikinaiinis. Pati sa pagsisimba ko’y lagi siyang nakabuntot.
Dahil ayoko talaga sa kanya ay halos pandirihan ko siya at ipinapakita ko talaga iyon sa mga kaibigan ko. ‘Pag sinusundan niya ako at tinutulungan ay binubulyawan ko. Pati mga bagay na pinaghirapan niya para ibigay sa akin ay sinisira ko mismo sa harap niya para pahiyain siya at tigilan na ako.
Hanggang sa isang araw ay malaki ang ipinagbago niya. Hindi na siya ang dating lalaking naghahabol sa akin at mistulang reyna kung tratuhin ako. Parang naging balewala na ako sa kanya at hindi ko na siya nakikita.
Hinahanap ko siya at laging iniisip. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, Tita. Ano ang gagawin ko?
Sarah
Dear Sarah,
Minsa’y nasa huli talaga ang pagsisisi. Saka mo lamang malalaman ang kahalagahan o value ng isang bagay o tao kung kelan wala na ito. Ang pag-iwas ngayon ng ‘lalaking naghahabol’ sa iyo ay may rason at posib­leng ‘eye-opener’ na rin sa iyo.
Tingin ko, kaya siya sumasagi sa isip mo at hindi ka mapanatag ay dahil sa batid mong nagkasala ka sa kanya. Bukod diyan, posible ring kaya mo siya hinahanap-hanap ay dahil nag-iwan din siya ng pitak sa puso mo.
Timbangin mong mabuti ang sitwasyon at pakiramdaman ang puso mo, Sarah.
Kung gusto mong magkaroon ng peace of mind ay gumawa ka ng paraan para makahingi ka ng tawad sa kanya. Hindi man maibabalik ang dating pagtingin niya, at least man lang ay inamin mo ang iyong mga pagkakamali at kahit sa huli’y nagpakatotoo ka.
Good luck and God bless you.

Love,
Tita Nora


 

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES