July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Bayad utang na naman?
Editorial


Marami ang nagtaas ng kilay at kumuwestiyon sa pagkakatalaga kay dating Commission on Higher Education (CHED) Sec. Romulo Neri sa Social Security System kapalit ng nagbitiw na si SSS Chairman Corazon dela Paz.
Hindi nakapagtatakang pagdudahan ang motibo sa pagkakaluklok kay Neri sa SSS dahil sa naging kontrobersyal na papel nito sa NBN-ZTE scandal na kumaladkad sa liderato ni Pangulong Gloria-Macapagal-Arroyo at itinuturong sangkot sa anomalya.
Pero dahil sa pag-atras ni Neri para ilahad ang nalalaman sa maanomalyang kontrata ay nawalang parang bula at natahimik ang isyu na dapat ay nagpauga sa gobyernong Arroyo.
Ngayong naitalaga sa SSS si Neri, hindi natin maiaalis sa isipan ng publiko na pagdudahan ang rason ng kanyang pagkakatalaga dahil sa mga nakaraang pangyayari.
Lalong hindi pwedeng isantabi ang anggulong pagbabayad-utang ito ng administrasyong Arroyo kay Neri dahil sa pagkakasalba nito sa dapat ay tuluyan nang pagkalugmok.
Dahil sa ganitong obserbasyon, kailangan nating tumutok lahat sa bawat desisyon at pagkilos na gagawin ng bagong talagang pinuno ng SSS.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES