Ito ang naging paglalarawan ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson sa paglilipat ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Commission on Higher Education (CHED) chairman Romulo Neri sa Social Security System (SSS) bilang kapalit ni chairperson Corazon Dela Paz.
Ayon kay Lacson, hindi nakakagulat ang panibagong appointment ni Neri lalo pa’t malaki ang naitulong nito kay Mrs. Arroyo para pagtakpan ang mga kalokohan ng administrasyon.
Ang pagkakalipat ni Neri sa isang financial institution, ayon kay Lacson, ay malinaw na premyo sa ginawang pagtikom ng bibig ng opisyal sa multi-bilyong pisong eskandalong nilikha ng National Broadband Network (NBN) project.
“Matapos bansagang ‘evil person’ ni Neri si GMA, mas naging matimbang pa rin sa amo niya ang patuloy na pagtitikom ng bibig ni Neri sa isyu ng ZTE, kaya marahil may gantimpala siyang consuelo de bobo bilang SSS chairman,” ani Lacson.
Magugunitang sa isang dinner kasama sina Sen. Jamby Madrigal at dating presidential adviser Lito Banayo, tinawag ni Neri bilang “evil person” si Mrs. Arroyo matapos mapag-usapan ang eskandalo sa broadband deal.
|