July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
BABY IBINALIBAG SA GASOLINAHAN
Armida Rico
 

Nagmistulang basurang itinapon ang isang sanggol na nakakabit pa ang pusod nang ihagis ng isang hindi nakikilalang babae na lulan ng isang taksi sa tapat ng isang gasolinahan sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Buong akala ni Marvin Pilapil, gasoline boy ng Shell na isang manika lamang ang inihagis ng babaeng sakay ng isang taxi na hindi nakuha ang pangalan at plaka na pumarada pa sa kanto ng Andrew Avenue at Aurora Boulevard, dakong alas-10:00 ng gabi.
Nang sumibad papalayo ang taxi ay naisipang lapitan ni Pilapil ang inihagis ng bagay at laking gulat nito nang mapagmasdan ang duguan at wala nang buhay na babaeng sanggol na mistulang kalalabas lamang sa sinapupunan ng ina dahil may nakakabit pang pusod.
Kaagad naman ipinagbigay alam ni Pilapil sa tanggapan ni Barangay Chairman Predismundo Marcos ng Barangay 191 Zone 20 Andrew Avenue Maricaban, Pasay City ang natuklasang sanggol.
Kaagad namang itinawag ni Chairman Marcos sa tanggapan ni Chief Insp. Reynaldo Paculan, hepe ng Station Investigation and Detective Manage­ment Section (SIDMS) ng Pasay City Police ang kaso upang kaagad maim­bestigahan.
Ayon kay SPO1 Joel Landicho, may hawak ng kaso na ang sanggol ay nasa pagitan na ng pito hanggang walong buwan at halos kasisilang lamang.
Samantala, inilagak sa Rizal Funeral Homes sa Libertad St., Pasay ang patay na sanggol habang masusi pang iniimbestigahan ang kaso upang matukoy kung sino ang walang pusong inang naghagis sa naturang sanggol.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES