July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Bagitong kongresista sinermunan sa hearing
(Bernard Taguinod)

Mistulang batang sinermunan at pinangaralan ang isang bagitong kongresista matapos magmagaling sa isang public hearing sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Hindi lamang isa, o dalawang congressman ang nanermon sa mambabatas kaya nagmukhang basang sisiw at kulang na lamang na palayasin ito sa public hearing na may kaugnayan sa trahedya sa karagatan tulad ng ginagawa ng mga propesor sa mae-epal na estudyante.
Mismong ang DPA ng TONITE ang nakasaksi kung papaano napahiya ang mambabatas sa mga resource person dahil putlang-putla ito habang sinesermunan ng mga matatandang mambabatas.
Nagsimula ang masa­mang karanasan ng mam­ba­batas na ito sa mga bete­ranong kasamahan sa Kongreso nang mabigyan ito ng pagkakataon na makapagsalita sa public hearing.
Tulad ng mga estudyanteng bulakbol, nagmungkahi ang mambabatas na ipatigil na lamang ang paglayag ng mga barko upang hindi na maulit ang trahedyang sinapit ng M/V Princess of the Stars.
Bagama’t galing sa negosyanteng pamilya ang kumag na mambabatas, tila wala sa hulog ang kanyang mungkahi dahil mas matinding trahedya sa ekonomiya ang nais daw nitong mangyari, ayon sa mga beteranong mambabatas.
Dito na nakatikim ng sermon at pangaral ang bagitong mambabatas sa mga beteranong mambabatas na animo’y estudyanteng binigyan ng special lecture sa harap ng mga resource person.
Inakala ng DPA ng TONITE na isang mambabatas lamang ang manenermon sa bagitong solon na ito pero marami ang nag-astang mga propesor na nagbibigay ng lecture para makapasa sa Economic subject.
Hindi malaman ng bagitong mambabatas kung saan isusuong ang kanyang ulo sa kahihiyang inabot sa harap ng mga resources person na mas maganda pa ang bihis sa kanya.
Kung ang mga resource person at lahat ng solon ay naka-business suit, ang mambabatas na ito ay tila naligaw lang sa Kongreso dahil naka-casual lang ito na animo’y nakikipag-date lamang kaya posibleng isa rin ito sa dahilan kung bakit sinabon siya ng sermon.
Clue: Ang mambabatas na ito ay mula sa Metro Manila at hindi raw nakikita sa kanyang distrito as in hindi siya kilala. Mayroon itong inisyal na A as in A­lang malay na estudyante.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES