HALU-HALO ang naramdaman ni Angel Locsin sa pagtatapos ng teleseryeng Lobo.
“Di ko maintindihan kung ano nararamdaman ko. And’yan ‘yung masaya na matatapos na ‘yung shooting namin. Masasabi ko na sobrang maipagmamalaki ko ito kahit after 10 years… sa mga magiging anak ko…
“Masaya na malungkot, kasi, di ko alam kung magkakatrabaho pa kami…” sabi ni Angel.
Iba raw kasi ang dedikasyon ng mga tao sa likod ng Lobo kaya mami-miss niya ang show na ito.
Hindi ito ang huling pagsasamahan nina Piolo Pascual at Angel. Malapit nang simulan ang shooting ng kanilang pelikula sa Star Cinema.
|