July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Diether, tutulong sa cancer patients
 

AYAW sabihin ni Diether Ocampo kung ilang taon na siya sa birthday niya sa Hulyo 19, kaya tinanong na lang namin siya kung anu-ano ang birthday plans niya.
Ani Diet, gusto niyang magbigay ng blowout para sa entertainment press.
Matagal na raw kasi ‘yung huli niyang thanksgiving treat para sa press, kaya gusto niyang gawin ulit ‘yon sa birthday niya, lalo pa’t sobrang natutuwa siya sa mga papuring nababasa dahil sa kanyang magandang performance sa Iisa Pa Lamang.
Meron din siyang cha­rity event para sa kanyang KIDS Foundation sa b-day niya. Bibisitahin niya at bibigyan ng tulong ang cancer patients ng pedia­­tric ward ng Philippine Orthopedic Center.
Naghahanda na rin si Diet para sa Bench fa­shion show sa Big Dome sa Hul­yo 25.
“Sabi nga sa akin ni best friend Claudine, ‘Kung alam lang ng mga tao, may asim ka pa!’ Kaya doon natin mapapatunayan kung meron pa! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.
Mas magiging mapa­ngahas ba siya sa BLACKOUT? Dati kasi ay hanggang topless lang siya at pantalon, eh!
“Bitin ba? Ha! Ha! Ha! Abangan n’yo na lang!”
Bakit hindi niya subu­kang mag-boxers o mag-sexy underwear?
“Tingnan natin! Kailangan syempre, sorpresahin ko kayo, ‘di ba?” naka­ngiting sagot niya.
Tutal birthday niya, bakit hindi na lang siya rumampa nang naka-‘birthday suit’ sa Bench fa­shion show?
“Ha! Ha! Ha! Hayaan n’yo, dahil sa request mo, sa birthday blowout ko for the press, naka-brief lang ako! Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na hirit sa amin ni Diet.
***
Mamayang 8:30 PM ang fundraising event na ‘I Love Manong’ para sa naospital na direktor na si Direk Gilbert Perez na gaganapin sa Esquinita (Sgt. Esguera St., QC).
P500 ang flat entrance fee na pupunta sa ‘I Love Manong’ Fund. May CD player at guitar amps kaya pwedeng mag-participate o mag-perform kung gusto n’yo.
Pwede ring maki­tsika, maki-bonding at mag-donate ng cash o cheque (‘pay to cash’ please). Steadily reco­vering na raw si Direk Gilbert sa ICU, pero araw-araw ay palaki nang palaki ang kanyang bill.
More than P1M ang inaasahang malilikom mamayang gabi ng mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Manong Gilbert.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES