July 10, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
John Lloyd, burado na sa puso ni Ciara
Joe Barrameda
 

BAGO umuwi ng Pilipinas si Ciara Sotto ay kausap namin siya over the phone sa Las Vegas, Nevada.
Naitanong namin sa kanya ang tsikang luma­bas ang boobs niya sa isang performance niya sa Las Vegas.
Ani Ciara, hindi iyon nangyari.
Hindi pa raw sila nag-uumpisa ng series of shows na tinutukoy at hanggang ngayon ay clueless si Ciara kung kailan iyon mag-uumpisa.
Syanga pala, lumipat na ng bahay sa Las Vegas si Ciara. Nagsarili na siya.
Magkaiba kasi sila ng mga oras ng trabaho ng mga kasambahay niya dati.
Hindi na siya kumportable sa iba’t ibang oras ng kanilang pamamahinga.
Sa preskon ng bagong album ni Ciara kahapon, nalaman namin mula sa kanyang ina na may binibili silang bahay sa Las Vegas.
Pagbalik ni Ciara sa Las Vegas ay sa sarili na nilang bahay siya titira.
Sa Las Vegas ginawa ni Ciara ang bago niyang album sa tulong ng kanyang amang si Tito Sotto.
Ito ang Ciara Anna Sotto na may carrier single na If You Love Me na napakaganda ng pagkakakanta ng dalaga. Ibang-iba na ang boses ni Ciara.
Namangha ang mga kasamahan namin sa pa­nulat sa ganda ng pag-awit niya sa presscon.
Si Joey de Leon pala ang nagbigay sa kanya ng idea na isama ang ‘Anna’ na second name niya sa bagong album para may bagong pag-uusapan sa kanya.
Natsismis si Ciara noon na buntis kaya uma­lis ng Pilipinas. Mali ang tsikang ‘yon. Sarili niyang desisyon ang magbaka-sakali sa Las Vegas.
Hindi naman siya nagpahuli. Nagsikap siya na mapantayan ang standard ng entertainers sa Las Vegas. Panay pa rin ang pagsisikap niya.
May lovelife din naman si Ciara -- si Joe Oconer na isang Pinoy.
Wala na si John Lloyd Cruz sa isip at puso niya.
Madalas silang magtsikahan at magsabihan ng mga personal problem ng kanyang pamangkin sa pinsan na si KC Concepcion. Pero sa kanya pa rin daw ang desisyon. Wala raw siyang kinalaman kung tinanggihan man ni KC na makasama si John Lloyd sa teleserye o sa pelikula. Sariling desis­yon daw ni KC ‘yun.
Wala rin daw siyang problema sa bagong gf ni John Lloyd. Kaibigan daw ito ng best friend niya. 
Bago bumalik si Ciara sa Las Vegas, ba­lak ng kapatid niyang si Councilor Lala Sotto na ipagprodyus siya ng mini concert sa Captains Bar ng Manila Mandarin Hotel.
Mae-extend tuloy nang kaunti ang pagtigil ni Ciara dito sa Pili­pinas.
*** 
Lalo kaming nanabik gabi-gabi sa primetime ng GMA 7 dahil sa nalalapit na pagtatapos ng Joaquin Bordado.
Sa Dyesebel naman ay gustong ibuko ni Betty (Bianca King) ang tunay na katauhan ni Isabel (Marian Rivera).
Ang nakakatawang Ako Si Kim Samsoon ay pinapalabas na gawa-gawaan lang ang mataas na ratings.
Bakit hindi kaya nila panoorin at sila mismo ang makakapagsabi na nakakaaliw ang teleser­yeng ito, ‘noh?!
***
Maganda ang natanggap naming feedback sa nalalapit na pagtatanghal ng Eat Bulaga sa Los Angeles, CA.
Marami na ang nag-aabang lalo na nang ma­laman nila na darating din sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Aligaga ang produ­cer na si Ana Puno at ang GMA Pinoy TV sa preparasyon na ginagawa nila sa ikatatagum­pay ng malaking progra­mang ito.
Maski ang mga taga- PAL sa Los Angeles Inter­national Airport na sina Priscilla at Rachel ay excited na rin na makita ng personal sina Ma­rian at Dingdong at ang buong entourage ng Eat Bulaga.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES