HINAHANAP namin si Angelica Panganiban dahil tsitsikahin dapat namin siya after ng open forum sa presscon ng Iisa Pa Lamang kamakalawa nang gabi sa Plaza Ibarra, pero bigla siyang nawala.
‘Yun pala ay nagkaroon ng eksena habang iniinterbyu siya ng ilang TV crew. 
Bigla raw umiyak si Angelica kaya hindi na natapos ang interbyuhan at dinala na siya ng kanyang handler sa isang kuwarto para huwag nang uriratin ng press.
Ang showbiz field reporter ng TV Patrol World na si Marie Lo-zano ang nagkuwento sa amin ng nangyari. Kinumusta raw nila kay Angelica ang nobyo nitong si Derek Ramsey dahil bali-tang nagkakalabuan ang magsyota.
Inamin ng dalaga na may problema sila ngayon ni Derek, pero hindi raw nito direktang kinumpirma kung nag-break na sila.
Naitanong din kay Angelica ang tungkol sa modelong si Solenn Heuseff na ex-girlfriend ni Derek, na balitang dahilan daw ng problema nilang magsyota dahil nandito na ulit sa bansa ang nasabing model.
Ang dinig namin, kaya nagkahiwalay noon sina Derek at Solenn ay dahil nagpunta ng ibang bansa si Solenn at naiwan dito sa ‘Pinas si Derek.
Ang sagot daw ni Angelica, hindi isyu sa kanila ni Derek ang ex-GF nito dahil matagal na raw rito sa bansa ni Solenn.
Nang tanungin si Angelica kung nami-miss niya ba si Derek ay doon na siya biglang umiyak at hindi na nasagot ang tanong, tapos ay inilayo na siya ng kanyang handler. 
Ang 23 y/o na si Solenn Heuseff ay half-French, half-Filipina model/makeup artist na kasama sa 10 Best Dressed Celebrities of 2008 ng Preview magazine.
Sa nakita naming picture ay gandara at fashionista si Solenn, na naging model pala ng international brands gaya ng Christian Dior sa Paris.
In fairness ay mas gumanda ngayon si Angelica dahil pumayat siya at lalong naging sexy ang dating.
Hindi lang namin siya natanong kung nagpapayat ba siya bilang paghahanda sa pagrampa niya sa BLACKOUT: The Bench Underwear & Denim Show sa Araneta Coliseum sa Hulyo 25 o nangayayat siya dahil sa problema nila ni Derek.
Si Angelica ay gumaganap bilang si Scarlet de la Rhea, ang mayaman at mapaglarong ex-girlfriend ni Diether Ocampo sa teleseryeng Iisa Pa Lamang (na magsisimula na sa Lunes, Hulyo 14 sa ABS-CBN Primetime Bida).
***
Birthday ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago sa Hulyo 20. Turning 29 y/o si Claudine at magti-35 y/o naman si Raymart.
Sa Hulyo 19 ay 1st birthday ng kanilang anak na si Rodrigo Santino. Imbes na isang 3-in-1 event ang mangyari, nagpasya ang mag-asawa na pagsabayin ang birthday at baptismal/dedication ni Santino sa Hulyo 20.
“Kay Santino lang talaga ‘yung event na ‘yon. Hindi na kami magse-celebrate ng birthday namin ni Raymart. Siguro, sa July 19 na lang kami.
“Kasi, nakakahiya naman kung magpapadala ka ng invitation, tapos, tatlo ‘yung may birthday! Parang tatlong gastos agad ‘yon, di ba? Nakakahiya naman,” natatawang bulalas ni Claudine nang makausap namin siya sa presscon ng Iisa Pa Lamang.
Hindi pa alam ni Claudine kung paano nila isi-celebrate ni Raymart ang birthdays nila.
Baka kagaya na lang daw nu’ng nakaraang Father’s Day na nag-check-in sila sa isang hotel with their kids and some of their friends. Pwede rin daw nilang maisipang mag-Cebu o mag-Palawan.
Bale araw ng Linggo ang big event ni Santino na gaganapin sa Blue Leaf Events Pavilion sa The Fort. Abalang-abala ngayon ang mag-asawa sa pag-aasikaso ng party ng kanilang baby.
Ganundin ang ginawa nila noon sa adopted daughter nilang si Sabina, sabay rin ang 1st birthday nito at dedication, para raw tipid at isang gastos lang.
May napili na rin sina Claudine-Raymart na magiging ninong at ninang ni Santino.
Kasama sa listahan sina Robin Padilla, Edu Manzano, Kris Aquino, Piolo Pascual, Diether Ocampo at iba pa na mga hindi taga-showbiz.
Imbes na ang ate niyang si Gretchen ay ang anak nitong si Dominique Cojuangco raw ang kukunin ninang ni Claudine. Pero darating daw ang kapatid niyang si Greta.
Nasa sampu ang godparents ni Santino, na hindi magkakapares dahil nu’ng sinusulat daw ni Claudine ang listahan ay hindi nila alam kung ilan ang babae at ilan ang lalake.
Ang panganay nilang si Sabina ay kaka-4 y/o lang nu’ng Hunyo. Ani Claudine, ang tangkad na at sobrang smart ni Sab.
May wish pa ba si Claudine para sa kanyang ika-29 na kaarawan?
“Ang sabi ko sa sarili ko, hindi na ako magwi-wish this birthday. Magti-thank you na lang ako for all the blessings.
“But then again, sabi ko, sige, sisingit ako ng isang wish --good health for Raymart, our kids and our family. ‘Yun lang. Kasi, ‘yun naman talaga ang pinakaimportante, ‘yung healthy silang lahat!” sambit ni Claudine na gumaganap bilang bidang si Catherine Ramirez sa Iisa Pa Lamang.
|