| ‘Holdaper ako, huwag pamarisan’. Ito ang nakasulat sa karton na nakasabit sa leeg ng isang lalaking biktima ng salvage habang dalawapang papel na nagbibigay ng impormasyon ang nakasubo sa kanyang bibig nang matagpuan sa Park Avenue, Bgy.85 Zone 9 sa Pasay City, kahapon. |
| Lumikha ng matinding ligalig makaraang magkaroon ng stampede sa loob ng isang pampasaherong bus ng magtalunan ang mga pasahero matapos pasabugin ang ulo ng isang tsuper habang namamasada sa Quiapo, Maynila kagabi. |
| Lima katao ang nasugatan makaraang mistulang maulol ang isang senglot na kelot nang walang habas na manugod at mambira ng saksak gamit umano ang isang ice pick sa Maynila kamakalawa. |
| Hindi umano mahagilap at nawalan na ng komunikasyon ang mga school official ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa mga kaanak ng dalagitang diumano’y biktima ng gang rape. |
| Bagama’t kontra sa pag-eksena ng Kongreso para imbestigahan ang paglubog ng M/V Princess of the Stars, kinonsensya ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero III ang may-ari ng Sulpicio Lines sa kabiguang tapusin ang retrieval ng mga nasawi sa trahedya. |
| Kumilos na rin ang Kamara kaugnay sa dumaraming kaso ng teenage gang rapes na kung saan gamit pa ng mga salarin ang kanilang mobile phones para i-video ang kanilang ginagawang kalaswaan. |
| Dalawa pang lumulutang na bangkay ng isang lalaki at babae ang narekober kahapon ng mga awtoridad sa baybaying dagat ng Sibuyan Island, Romblon. |





