Tinrangkuhan nina Eduardo Buenavista at Jho-Ann Banayag ang mga nagwagi sa 1st Manila Half-Marathon Challenge paalis sa Kilometer O Post ng Luneta Park sa Roxas Boulevard at pabalik sa Quirino Grandstand ng parke sa Ermita, Manila kahapon ng umaga.
Sa pagdiing siya ang tunay na hari ng 21-kilometrong distansya at maging sa long distance sa bansa, iniwanan sa lead pack ng 29-anyos na tubong Sto. Niño, South Cotabato, Air Force duty sergeant at ama ng dalawang tsikiting ang mga karibal pagkaraan ng limang kilometro arangkadahan pa lamang patungo sa solong tawid sa meta sa loob ng isang oras, dalawang minuto at 57.93 segundo at sambutin ang isang Condura refrigerator, trophy at P10,000 cash.
Lumagak na segunda at tersera sina reigning National Milo Marathon champion Cresenciano Sabal ng Army Team (1:03:42.36) at Juniel Languido ng Nike Philippines (1:04:09.76) na may kaakibat ding prizes mula sa mahigit na P200,000 cash at appliances.
“Magaling na ang injury na nakuha ko sa kaliwang tuhod sa last (2007) Southeast Asian Games sa Thailand kaya maganda na uli ang takbo ko,” komento ni Buenavista, na nakabase sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate Manila habang ang pamilya ay nangungupahan sa Baguio City.
Sa distaff side, walang challenge na nakopo ni Banayag, silver medal winner sa 24th SEA Games noong Disyembre at kinakatawan din ang Nike Phils., ang korona sa tiyempong 1:15:49.16 para sa kagayang premyo ni Buenavista.
“Right from the start, walang nakasabay sa akin. Maganda lang ang condition at training ngayon,” sambit nang balingkinitan at maputing dalaga hinggil sa patakbo na mga pinadrinuhan ng Coca-Cola, Condura, Silog Express, Unilever, EDSA Grand Residences, Meisic Mall, Grand Mountain Media Services, T-Rex Marketing Corporation, WOW Studio-23 at My Funfood Depot.
Pumangalawa at pumangatlo sina Pattaya Asian Marathon Championship silver medal winner Christabel Martes (1:17:06.09) at SAFER Run bet Marecil Maquilan (1:17:28.55).
Kabilang sa Magic 10 ng men’s division sina Allan Ballester (1:05:31.21), Alquin Bolivar (1:06:44.36), Champion Shoes entry Bernardo Desamito (1:07:22.86), Elmer Sabal (1:07:25.70), Crifrankreadel Indapan (1)7:44.81), Rene Desuyo at Jesse Ano ng M2 Global Runners (1:08:04.67).
Sa women’s ay sina Ailene Tolentino (1:17:51.53), Ana Liza Vargas ng Tarlac Team (1:25:49.30), Joanne Manangat (1:30:07.66), Enate Sayrol (1:35:28.06), Vanessa Sugalan (1:36:01.16), Mila Robiso-Paje (1:37:40.79) at Amelita Arcilla ng M2GR (1:44:52.29).
|