July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Blazers babawi
(Mark Joseph Escarlote)
 
Puntirya ng Mapua Cardinals na masundan ang unang panalo sa pakikipagtipan ngayon sa naghahanap ng tagumpay na Philippine Christian University Dolphins sa pagpapatuloy ng seniors’ basketball action ng 84th season ng NCAA sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Tangan ang 1-1 slate at momentum ng 86-80 win sa San Sebastian Stags noong Miyerkules, kakanain ng Cardinals ang pangalawang sunod na tagum­pay laban sa Dolphins na may record na 0-1 sa main-game ng alas-kuwatro ng hapon.
Kakalabanin naman ng College of St. Benilde Blazers (2-1) ang winless pa ring Jose Rizal University Heavy Bombers (0-2) sa curtain-raiser ng alas-dos.
Naniniwala si Mapua mentor Leo Isaac na ang kanilang panalo sa Stags ay magsisilbing inspiras­yon para sa kanyang koponan.
“It’s a good thing nanalo kami, sana magtuluy-tuloy na,” ani Isaac, na nalasap ang nakakahiyang 85-56 pambubugbog ng back-to-back defending champions San Beda Red Lions sa opener.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES