July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Eagles binali ang Archers
Ni MARK JOSEPH ESCARLOTE
 
Ibinulsa ng Ateneo Blue Eagles ang mala­king panalo laban sa mortal na karibal na defen­ding champions La Salle Green Archers, 79-73, sa kanilang opening assignment sa 71st season ng University Athletic Association of the Philippines kahapon sa dinagsa ng 22,008 manonood na Big Dome.
Muling pumailanlang ang kulay asul bilang pani­mula sa inaasahang klasikong tunggalian ng Katipunan-based at Taft-based squad sa double-round eliminations ng seniors’ basketball.
“Everytime we beat La Salle, it’s a big win for us,” ani Blue Eagles coach Norman Black. “It’s a good one for us because the earlier you get a victory the better for the team and it builds your confidence.”
Nagposte si Chris Tiu ng 26 points kasahog ang pitong boards at dala­wang assists para sa Ateneo. Nagdagdag ng tig-10 points sina Rabeth Al-Hussaini at Eric Sala­mat.
Naging kontrobersyal din ang sagupaan dahil sa dalawang technical fouls na naitawag sa magkabilang kampo. Hindi pa man nagsisimula ang jumpball sa unang canto ay nabigyan na ng dalawang free throws si Tiu dahil sa violation ni La Salle coach Franz Pumaren sa hindi pagsusuot ng UAAP ID sa loob ng playing court. Pagdating naman ng simula ng payoff period ay natawagan si Black ng technical foul, ang kanyang una sa apat na taon bilang collegiate coach, dahil sa iminuwestrang body action sa isang non-call.
Ang violation ni Pu­maren ay naayon sa pinag-usapang ruling ngayong season habang kakausapin naman ni Black si commissioner Chito Narvassa ukol sa nasabing tawag.
Samantala sa unang laro, tinapos na ng season-host University of the Philip­pines Fighting Maroons ang 14-game losing slump sapul noong nakaraang taon nang paamuin ang National University Bulldogs, 86-72.
Nagpamalas ng career-game si Martin Reyes sa naipasok na 21 points, tampok ang 4-of-8 three point shooting, at tatlong rebounds habang nag-ambag sina Andrew Marfori at Joey Agbayani ng tig-11 markers para sa UP, na ngayon lang muling na­naig sa loob ng 23 buwan.
Nagtapos si Jonathan Jahnke ng 17 points habang may tig-13 mar­kers sina Raymond Aguilar at Jessey Garcia para sa Bulldogs.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES