STANDINGS
TEAMS W L
Air21 12 6
Red Bull 11 7
Brgy. Ginebra 10 8
Coca-Cola 10 8
Magnolia 10 8
Alaska 9 9
Talk ‘N Text 9 9
Purefoods 8 10
Sta. Lucia 7 11
Welcoat 4 14
Mga laro sa makalawa: (Ynares Center, Antipolo City)
4:50 p.m.-Alaska Milk vs Sta. Lucia Realty
7:20 p.m.-Talk ‘N Text vs Purefoods TJ Hotdogs
Sinangkalan ng Barangay Ginebra San Miguel ang tibay ng pulso sa free throws sa huling kalahati ng fourth & final quarter upang matamis na mabuweltahan ang Alaska Milk, 97-90, at mapasakamay ang pangatlo’t pinaleng awtomatikong upuan sa quarterfinals.
Isang dambuhalang laro ang muling tinagay ni Chris Alexander sa pagkana ng 18 points, 29 rebounds, two assists at three blocks sa pagsapaw sa import counterpart na si Randy Holcomb at mga katropa para sa pang-anim na deretsong salanta ng Ginebra at tapos ng tersera sa may dalawang ikot ng eliminasyon sa 2008 SMART-Philippine Basketball Association Fiesta Conference sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“Credit goes to the players who responded well to the challenge after our 0-5 start in the tourney,” reaksyon kagabi ni King coach Joseph Uichico. “Kinailangan pa naming maghabol. But it feels good getting this tough feat.”
Aktuwal na tinablahan ng most popular ballclub sa professional league ang rekord na 10-8 panalo-talo ng mga kapwa nakasampa sa quarters na Coca-Cola at Magnolia pero nakasingit sila sa mas mataas na estado dahil sa superior quotient.
Sa pagkabigo, napadpad ang defending champions Aces sa pang-anim na puwesto sa barahang 9-9 sapat para lang sa malupit na knockout wildcard phase kung saan katapat ang No. 9 Sta. Lucia Realty na may 7-11 matapos masilo ng Red Bull Energy Drink, 85-81.
‘Di sinayang ng Bulls ang pangalawang pagkakataon matapos matalo noong Biyernes sa Talk ‘N Text (105-103) sa pagtiyak sa pagkakataong ito na maagapayan ang top seed at unang umentra sa best-of-seven Final Four na Air21 (12-6) sa sariling markang 11-7 na kabaligtaran para sa Realtors na sa pangsiyam ay ang No. 8 Purefoods Tender Juicy Hotdogs (8-10) ang katuos sa isa pang wildcard stage.
Box scores:
First Game:
Red Bull Energy Drink 85 – Parada 19, Baguio 17, Najorda 15, Hrabak 12, Cruz 11, Adriano 6, Alvarez 3, Ybanez 2, Sharma 0, Robinson 0, Pennisi 0
Sta. Lucia Realty 81 – Benson 27, Reyes 15, Williams 15, Miranda 7, Omolon 5, Espino 5, Mamaclay 3, Gonzales 2, Daa 1, Aquino 1, Coronel 0, Yeo 0, Mendoza 0.
Quarterscores: 17-24, 36-39, 62-57, 85-81
Second Game:
Barangay Ginebra San Miguel 97 - Helterbrand 20, Alexander 18, Valenzuela 18, Caguioa 15, Menk 8, Tubid 6, Mamaril 4, Artadi 3, Salvacion 3, Pacana 2, Crisano 0
Alaska Milk 90 - Miller 16, Holcomb 15, Tenorio 14, Fonacier 14, Thoss 10, Dela Cruz 9, Cariaso 9, Ferriols 2, Hugnatan 1, Quinahan 0
Quarterscores: 19-27, 43-43, 74-67, 97-90