July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


71st UAAP
Ronnie Magsanoc
 
Walong koponan ang maghaharap-harap sa loob ng tatlong buwan para sa kampeonato ng premiere student-athlete league sa bansa, ang UAAP (University Athletic Association of the Philippines).
Target ng defending champions De La Salle University Green Archers sa pamumuno nang pinakamatinik na coach sa college basketball na si Coach Franz Pumaren, ang pang-anim na titulo sa 11 taon. Pitong teams ang magiging hamon at balakid sa ambisyon ng Archers.
Kilalanin natin sila: Ang University of the East Red Warriors na hawak ng 5th year coach na si Dindo Pumaren ang isang koponan na nakapagtala ng 14-game sweep sa double round eliminations last year subalit kinapos sa Finals laban sa DLSU. Patuloy ang ambisyon Recto-based school na maiuwi ang tropeo sa pagkatapos ng 22 taong paghihintay.
Nag-aasam ang Ateneo de Manila University Blue Eagles ng 4th year mentor na si Coach Norman Black na makuha ang korona para maitala ang pang-apat na kampeonato ng Loyola-based squad, na naghari noong 1981, 1988, 2002.
Tangka ng 2006 Champion coach na si Pido Jarencho naman sa kaniyang ikatlong taon bilang head coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang ika-20 titulo para sa koponan ng España at mai-angat ang UST bilang winningest team sa UAAP history.
Ang sophomore coach na si Glen Capacio ay tahimik ngunit mapanganib na paiigtingin ang tikas na hated niya sa Far Eastern University Tamaraws para maibalik sa tugatog ng tagumpay na kanilang huling natikman nung 2005.
Balik-Adamson University Falcons naman si coach Leo Austria. Maaalalang siya ang nagtulak sa Falcons na makarating sa unang Final 4 appearance ng taong 2006. Hangad ng Adamson na magwakas na ang may 33 taong pagka-uhaw sa isang korona.
Nais naman ng National University Bulldogs ng 2001 Coach of the Year na si Manny Dandan na tapusin ang pinakamatagal na paghihintay ng isang iskwelahan sa isang kampeonato, 54 na taon. Taong 1954 ng huling mag-numero uno ang NU Bulldogs.
Ang 2008 UAAP host na University of the Philippines Fighting Maroons na nagdiriwang ng ika-100 anibersaryo (1908-2008) bilang isang educationl institution ang huling balakid sa kampanya ng DLSU.
Ang rookie coach na si Eng. Aboy Castro ang hinete para sa Maroons sa Centennial Year ng UP. Taong 1986 pa nang huling magdiwang ang UP community sa panalo sa isang kampeonato.
Ito ang UAAP 71st season. May bakbakang umaati­kabo!. Brace yourselves for a tight fight to the finish.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES