July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
OFWs, business-minded na
Chingbee


Kapansin-pansin ang electronic billboard ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa may main office nito sa kanto ng EDSA at Ortigas. Ipina-flash sa billboard kung papaano makakaiwas sa mga illegal recruiter.
May mga tips din ang POEA sa website nito kung papaano mapapadali ang pagpoproseso ng mga papeles ng mga aplikante, agency hired man o name-hire applicant.
Maganda ang mga ino­basyon na iyan, ngunit sana’y paigtingin din ng POEA, sa pakikipagtulu­ngan sa pulisya at sa National Bureau of Investigation (NBI) regional offices ang paghabol sa mga illegal recruiter na sa mga probinsya nag-o-operate.
Hindi lang basta illegal recruitment ang nangyayari sa mga probinsya at ma­ging sa mga Metro­polis dahil may mga aspeto na ito ng human smuggling tulad ng pagdadala sa mga aplikante sa bansa na kakaiba sa kanilang napag-usapan, pagpasok sa kanila sa trabahong ‘di napagkasunduan tulad ng prostitusyon at pagtrato sa kanila bilang alipin.
Sunud-sunuran
Karaniwan sa mga biktima ng human smuggling ang kinukunan ng pasaporte at iba pang tra­vel documents pagdating sa ibang bansa upang ma­ging sunud-sunuran sila sa kanilang mga amo.
Ang problemang ito’y hindi lang sa Pilipinas dapat sinosolusyunan, bagkus ay sa multi-lateral le­vel, sa pakikipag-ugna­yan ng ating pamahalaan sa pamahalaan ng ibang mga nasyon.
Dapat magkaroon ng magkatuwang na kampanya ang maraming bansa upang labanan ang human smuggling, habang dapat namang i-ban ng ating pamahalaan bilang work destination ng mga Pilipino ang mga bansang hindi nagbibigay-proteksyon sa kanila.
Stocks o agri?
Maraming OFWs ang nag-e-email sa atin kung ano ang magandang negosyo na pasukin nila pag-uwi sa Pilipinas. May nagtatanong kung okey ba raw sa stock market o sa agri-business.
Maganda ang agri-business kung ang OFW ay province-based at may sapat na kaalaman sa agrikultura. Marami tayong nakatiwangwang na lupa na pwedeng tamnan o sakahin para mag-produce ng bigas, atbp.
Ang pagkain ay basic necessity at lagi itong may merkado. Ngunit dapat ding pag-aralan ng isang OFW ang cost of production, transport cost, losses at iba pang factor sa agri-business na maaaring magresula sa pagkalugi.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES