July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Enrile pumalag sa Sulpicio probe
(Rey Marfil)
 

Inangalan ni administration Senator Juan Ponce Enrile ang ikinakasang imbestigasyon ng Senado sa paglubog ng M/V Princess of the Stars, kasabay ang reklamong makakagulo lamang sa ginagawa ng Board of Marine Inquiry (BMI).
Ayon kay Enrile, chairman ng Senate committee on services na nagbibigay ng prangkisa sa mga shipping companies, mas makabubuting ipaubaya na lamang sa BMI ang imbestigasyon at anuman ang kasalanan at pananagutan ng Sulpicio Lines Inc., ito’y dapat aniyang ibigay sa BMI at umaksyon na lamang ang dalawang kapulungan ng Kongreso kapag nakitaan ng butas ang mga nilikhang batas na nagpapataw ng kaparusahan sa mga ito.
Bagama’t kontra sa pagsasagawa ng imbestigasyon, nilinaw ni Enrile na hindi nangangahulugang ligtas ang Sulpicio sa pagpapatawag ng public hearing dahil maaaring isalang sa hot seat kapag natapos ang pagsusuri ng BMI.
Kapag natapos ang imbestigasyon ng BMI tungkol sa tunay na kadahilanan sa paglubog ng barkong M/V Princess of the Stars, maaari aniyang manghimasok ang Kongreso lalo pa’t nangangailangan ng lehislasyon ang mga parusang kahaharapin ng mga sangkot dito.
Sa pinakahuling report, umaabot na sa 318 ang bangkay na narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Maritime Command sa paglubog ng M/V Princess of the Stars mula sa humigit-kumulang 800 pasahero nito.
“Kaya nga sinabi ko pabayaan muna ang hea­ring na ginagawa ng BMI. Marami na tayong imbestigasyon du’n sa mga marine accidents. Kung gusto na­ting baguhin ang batas, magagawa ‘yun, antayin natin ang katotohanan na matutuklasan ng BMI,” ani Enrile.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES