July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Bank deposits ni Jocjoc pinababantayan ni Ping
(Rey Marfil)
 

Kinalampag ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang liderato ng Anti-Mo­ney Laundering Council (AMLC) sa pagkabangkarote ng iba’t ibang bank accounts ni dating Department of Agriculture (DA) Undersecretary Jocelyn ‘Jocjoc’ Bolante.
Hindi maitago ni Lacson ang matinding pagkadismaya sa AMLC lalo pa’t mabagal ang pag-aksyon, kasabay ang pa­yong bantayan ang money transfer o paglilipat ng mga bank deposits ni Bolante ngayong naubos ang mga nadeposito sa pangalan nito.
Sa kabilang banda, sinisisi rin ni Lacson ang Malacañang sa mabagal na pagkilos ng AMLC lalo pa’t kakampi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang hinahabol ng council.
Kung nagkataong mi­yembro ng oposisyon si Bolante, naniniwala si Lacson na mabilis pa sa alas-kuwatro o matagal nang naka-freeze ang banks deposits ng dating opisyal at hindi aabot sa senaryong magtatago sa Amerika ito.
“Medyo delayed. Empowered sila under the law. Ako nag-author niyan, binigyan ng poder ang AMLC. Pero ‘pag ang involved alyado ng Malacañang napakabagal kumilos. Kung taga-opposition maski wala iniimbestigahan nila,” ani Lacson.
Bagama’t principal author ng AMLC, mismong si Lacson ang nagrekomendang balasahin ang membership ng council upang magkaroon ng maayos na liderato at mabilis ang pag-aksyon sa kasong hinahawakan, kasabay ang pag-aming hindi satisfied sa trabaho ng mga ito.
“Hindi. May tanong kami sa Senate investigation ‘di nila masagot nang malinaw. Kailangan magkaroon ng oversight uli, magkaroon ng hearing sa oversight sa AML Act,” ani Lacson.
Tanging problema aniya sa pagpapalit ng membership sa AMLC, ito’y nasa hurisdiksyon o poder ni Mrs. Arroyo kaya’t kailangang gumalaw ang Kongreso, partikular ang Oversight Committee para masuri ito.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES