July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Ex ni Matet, naghahanda sa paghuhubad
(ABU TILAMZIK at JDO)
 

GUSTO nang bumalik sa showbiz ni Harold Macasero kaya tinanggap nito ang digital movie ng Viva na Kambyo, pero ewan ko lang kung magandang comeback ito sa kanya.
Bading ang papel dito ni Harold at may eksenang hinahada niya si Gabz del Rosario (isa sa Men of Provoq).
May laplapan din sila rito ni Kenjie Garcia.
Ayon kay Harold, nagustuhan niya ang script ng Kambyo kaya kaagad niyang tinanggap.
Sa mga susunod niyang project, kung kinakailangang magpa-sexy, okay lang sa kanya pero kailangang paghandaan pa muna niya ang kanyang katawan.
Si Harold ay dating boyfriend ni Matet de Leon. Matagal na silang hindi nagkikita o nagkukumustahan ng dating girlfriend.
Masaya raw siya sa kalagayan ni Matet na maligaya sa asawa’t mga anak nito.
***
Nakikiramay kami sa pamilyang naiwan ni Direk Felix Dalay na suma­kabilang buhay kahapon nang umaga sa sakit na kanser sa baga.
Text ni direk Arman Reyes, tatlong araw na ibuburol ang labi ni direk Felix Dalay sa Fune­raria Paz at ililibing ito sa sa Paete, Laguna.
***
Ika-22 at huling linggo ngayon ng telefantas­yang Joaquin Bordado sa GMA 7.
Kailangang magsakrispisyo si Joaquin (Robin Padilla), maging sarili mang pamilya ang kapalit.
Paano susupilin ni Joaquin ang kabuktu­tan sa muling pagkabuhay nina Cefiro (John Regala) at Elixera (Jenny Miller)?
***
Tampok sa I-Witness ang pakikipagsapalaran ng mga ‘Batang Langoy’ ngayong Lunes nang hatinggabi sa GMA 7.
Nagsusumikap ang ilang mga bata sa Isla Magalumbi sa Iloilo – kabilang sina Queenche (10 y/o), Raul (13 y/o) at ang kanilang mga kapatid na pawang nasa elementarya. 
Ihinahatid sila sa bangka ng mga tatay nilang mangingisda tuwing umaga.
Pagkatapos ng klase sa hapon, nilalangoy nila ang dagat pauwi sa kanilang isla.
Nasa laot pa kasi ang kanilang mga ama.
Dalawang kilometro ang layo nito at mahigit 20 talampakan ang lalim ng tubig.
Sa paglangoy, dikit-dikit sila. ‘Yung iba, nakahawak sa mahabang kawayan bilang suporta sakaling sila’y mapagod.
Malas na lamang kapag sila’y inulan sa gitna ng karagatan.
Hindi nila maiuwi ang kanilang mga libro at notebook. Ibinabaon nila ang mga gamit sa buhangin tuwing hapon. 
Ang kanilang mga assignment, ipinauubaya na lang hanggang sa sumunod na umaga pagdating nila sa pampang. 
Wala pang nakapagtapos ng high school sa kanilang isla.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES