July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Wu Chun, darating sa Sabado
 

DARATING sa bansa ang Asian heartthrob na si Wu Chun sa Sabado (Hulyo 12) kasama ang co-star at fellow Fahrenheit member na si Calvin Chen.
Ipo-promote nila ang kanilang afternoon soap na Romantic Princess sa ABS-CBN.
Ang pagdating ng da­lawa ay bahagi ng ika-55 taong selebrasyon ng Kapamilya Network.
Nauna nang dinala ng ABS-CBN ang iba pang Asian stars na sina Lee Dong Wook ng My Girl, Eugene ng Save the Last Dance for Me at Wonderful Life, at siyempre pa si Jerry Yan kasama ang iba pang members ng F4 at Meteor Garden leading lady na si Barbie Zhu.
*** 
Pupunta si Joyce Jimenez sa grand opening ng Ever Bilena sa Sabado (Hulyo 12) nang 1:00 PM sa 3rd floor activity area ng Starmall EDSA.
Pipirma si Joyce ng autographs at magpapalitrato kasama ang fans.
Para sa mga detalye, tumawag sa tel.# 724-4992.
***
Gaganapin ang ika-57 Miss Universe sa Hulyo 14 (Lunes) nang 8:00 AM sa Nha Trang, Vietnam.
Ite-telacast ito sa Velvet channel sa Hulyo 14 nang 7:30 PM.
Mahigit 80 bansa ang magkakalaban dito.
Ang kinatawan ng Pilipinas ay ang 22-anyos na si Jennifer Barrientos.
Youth leader si Jenni­fer sa kaniyang local church ministry. Nagtrabaho siya sa Star World Hotel sa Macau bilang Welcome Ambassador.
Ang nagwagi sa Miss U last year ay si Riyo Mori ng Japan.
Narito ang mga litrato ng ilan sa Miss U 2008 contestants.
***
Iba-iba ang halaga ng mga DVD sa Barter, Quiapo.
May mga bagong DVD na mabibili sa halagang P14.
Meron ding mga Blu-Ray Disc na P700 ang halaga.
Si Laharni Mayon vda. de Ormoc, suki ng mga DVD 9 na P55 bawat kopya.
Type din niya ‘yung mga DVD 5 na three-for-P100, at ‘yung mga X-rated na 16-in-1 na P26 bawat isa.
Di ba, Adela?

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES