SI Rhian Ramos muna ang makakapareha ni JC de Vera sa La Lola ng GMA 7 at pagpapahingahin muna ang team-up nila ni Yasmien Kurdi.
Pero pangako ng Kapuso management sa fans ng team-up nina JC at Yasmien na muling magtatambal ang dalawa pagkatapos ng La Lola.
Sabi ni JC, mami-miss din niyang makatrabaho si Yasmien, pero umaasa siya na after ng La Lola nila ni Rhian ay may nakahanda pa ring proyekto ang GMA 7 management para sa kanila ni Yasmien.
Marami ang nakapansin na sa kissing scene nila sa finale episode ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita ay bigay na bigay si Yasmien, pero ayaw mag-comment ng binata tungkol doon.
“Iyun po kasi ang kailangan sa eksena,” sabi ni JC.
Hindi mami-miss ng kanilang mga tagahanga ang tambalang JC-Yasmien dahil sila ang magkapareha sa isang pelikula ng Regal Entertainment na magsu-showing na sa Agosto.
***
Kahapon ay nag-break muna sa pagte-‘theater tour’ si Annabelle Rama dahil kailangan niyang mag-guest sa SOP Rules at Showbiz Central para sa promo ng My Monster Mom.
Masaya si Bisaya dahil tumatabo sa takilya ang kanyang ‘camebeck’ movie.
Lumilibot sa mga sinehan si Bisaya dahil naaaliw siya sa reaksyon ng mga nanonood ng My Monster Mom.
Madalas na palihim na pumapasok sa mga sinehang pinagtatanghalan ng My Monster Mom si Bisaya at pinakikinggan niya ang reaksyon ng mga manonood sa kanyang mga eksena.
Lampas sa sampung beses nang napanood ni Bisaya ang My Monster Mom.
Natutuwa rin si Bisaya dahil may mga kakilala siya na nanood ng My Monster Mom nang more than five times.
“Nakakatuwa ‘yung reaksiyon ng mga tao na hindi nakasasawang panoorin ang pelikula. May iba nga akong mga kakilala na paulit-ulit na nanonood ng My Monster Mom.
“Nagpapasalamat talaga ako sa mga sumuporta sa pelikula ko,” sey ni Bisaya.
May mga kakilala raw siya na hinahakot ang mga katulong para panoorin araw-araw ang My Monster Mom.
This week ay may thanksgiving party ang GMA Films at Regal Entertainment para sa tagumpay ng My Monster Mom.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com
|