July 07, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Juday at Wowie, nag-pictorial sa London
Alfie Lorenzo
 

NAKAKALOKA and at the same time amusing ang mga napuna namin habang nasa bakasyon kami sa Europa. Syempre naman kapag nasa ibang bansa ka, dapat bukas hindi lamang mga mata mo kundi pati na utak mo sa mga nakikita mo at iba pang kaganapan sa paligid para mas yumabong ang kaalaman mo sa mundong ibabaw at nang masulit ang plane ticket at mataas na gastusin!
Akala ng karamihan ng mga Pinoy ay ang dollar ang pinakamataas na currency. Kasi, ang yabang ng Amerika as if ang dolyares nila ang batayan ng ating paghinga.
Kasi nga, dito sa atin, walang bukambibig kundi “tumaas ang dollar” o kaya eh “bumaba ang dollar,” at once in a lifetime ay nasasambit ang “tumaas ang piso” as if every­thing depends on the godlike-dollar na sina­samba ng karamihan ng mga Pinoy.
Pero heto ka, ang god of all currencies pala ay ang English pound, kasu­nod ang euro at pangatlo lang ang lintek na dollar!
Ni hindi kalahati man lang ng English pound ang American dollar, eh. Sa one hundred dollars (US$100) mo, ang kapalit na English pounds ay either  45 to 48 pounds lang, depende kung sa­ang area ka magpapapalit -- sa bangko, sa cambio o sa money changers.
Ang US$100 naman sa euro ay 52 lang. At sa Pili­pinas naman ang US$100 ay see-saw sa du­yan ng four thousand five hundred (P4,500) ngayon, na nagiging P5,000 for every $100 na sandaling napababa sa P4,000 per $100 na tumaas na naman ngayon sa P4,500+.
***
Sa Independence Day celebration sa London, ang producer ay si Anabel Cueva.
Ang kasama nina Juday at Ryan ay si Rufa Mae Quinto. Biro mo, Anabel at Rufa sa London, ayaw talaga kaming tantanan ng Monster Mom, huh!
May bading doon sa park na nagpa-picture nang husto at nagpapirma kay Juday dahil idol daw niya ito talaga.
Never daw niyang nakita nang personal sa Pili­pinas si Juday, kaya ecstatic siya at sa London pa niya nakatagpo ang idol niya!
Ang pangalan ng ba­ding ay... Wowie!
Wow!
Kaya nang pipik­tyuran namin si Wowie with Juday, ang dayalog ko kay Ryan ay, “Ryan, tumabi-tabi ka muna diyan at magpipiktoryal sina Juday at Wowie!”
***
Kasama namin sa white tent ang direktor ni Juday sa Ploning na si Dante ‘Ga’ Garcia-Ramsey vda. de Pascual dahil aasikasuhin niya ang screening ng Ploning sa Paris Cinema.
Nakatakda ring magkaroon ng screening sa London ang Ploning dahil na rin sa request ng mga Pinoy roon.
Kung ang Caregiver nga naman ay nag-premiere night sa London, bakit hindi ang Ploning?
Heto na ang irony sa buhay ni Juday. While Direk Dante ‘Ga’ is soliciting support for Juday’s Plo­ning, sa Pilipinas ay isa pang Dante ang nanawagan naman ng boykot for Juday!
Tingnan mo nga naman ‘yan, pag nakatakda, sadyang hindi maiiwasan at mangyayari at mangyayari sa ayaw at sa gusto mo.
***
Habang nagsu-show sa park sina Juday at Ryan, big­lang may sumulpot sa tent namin at niyakap kami nang mahigpit -- si Eddie Monte­mayor na  42 years na naming hindi nakikita!
And who is Eddie Montemayor?
Kabalen namin sa Ange­les City si Eddie. Pareho pa kaming wala sa showbiz noon.
And never kong na-imagine na magiging seryoso ako sa pakiki­pagbarkada sa mga artista. This is in the early ‘60s na kaga-graduate ko pa lang ng Fine Arts sa UST.
May job opening sa Clark Air Base. Ako ang nag-exam for Eddie sa dalawang job opening. Alinman doon ang pumasa, may trabaho siya. Ang kaso, pareho kong naipasa ang dalawang exams.
So, naging waiter sa Airmen’s Club si Eddie at inako ko ‘yung pasadong busboy sa Airmen’s  Barracks.
Naipakilala ko si Eddie sa isang British officer kaya nalipat siya sa Officer’s Club.
Nagustuhan ng officer ang masipag na serbisyo ni Eddie kaya isinama siya ng Briton sa pag-uwi sa London.
Doon na nagtrabaho si Eddie hanggang sa makapag-asawa siya ng isang Pinay na bossing sa isang kumpanya.
Tatlong babae ang naging supling ni Eddie at ng misis niya. And again, what is ironic uli about this?

Yung dalawang anak niya ay na-involve sa London West End, luma­bas sa mga famous musicals like Miss Saigon, Les Miserables, Phantom of the O­pera etc. at movies filmed in London.
‘Yung isang anak niya, si Rhoda, ay kasalukuyang isa sa mga bida ng TV show na  Power Rangers na pala­bas tuwing umaga sa London TV. Isa ring maga­ling na singer si Rhoda.
Habang namamahi­nga kami sa shopping namin sa Marks & Spencer ay may isang magandang babae ang lumapit sa amin at nagpakilalang si Pearl Villa­mayor.
Kilala raw kami ni Pearl at alam din niyang kami ang manager ni Juday dahil ang ama ng only daughter niyang nag-aaral sa London ay isang broadsheet publisher.
Tsinika kami ni Pearl at nagyayang kumain sa katabing Italian resto. Nabanggit ni Pearl na magbubukas ang itinayo niyang spa sa London sa September pa gawa ng maraming papeles at mga permit ang kailangan -- lalo na ngayon na naghihigpit na ang UK sa mga trabahador doon.
Mahigpit sila ngayon sa TNT workers. May ma­laking multa at pagkabilanggo pa ang sinumang nag-hire ng illegal alien, pati na ‘yung TNT worker. Kaya raw natatagalan ang mga papeles ni Pearl.
At heto na uli ang irony. Niyaya kami ni Pearl Villamayor na mag-lunch, while Eddie Montemayor invited us for dinner.
Ipinakilala namin ang dalawa sa isa’t isa. Nagkaroon tuloy ako ng confusion. Bigla kong naintrodyus si Eddie kay Pearl as Eddie Villamayor!
“Ay, kamag-anak ko pala?” tanong na seryoso ni Pearl.
Ay, sino nga pala si Eddie Villamayor? Ah, kapatid ni Nora Aunor!
Kumusta na kaya si Eddie Villamayor, may sakit pa kaya? Sakit na nakuha niya sa car accident kung saan isa sa Sandico Brothers na barkada ni Eddie ang namatay sa car crash na si Eddie ang nagmamaneho.
Dinala ng kunsensya ni Eddie ang nangyari kaya nawalan siya ng katinuan.
Eddie Villamayor, utol ni Ate Guy? Ay, teka, may sekretarya nga pala si Ate Guy noon na Pearl ang pangalan, ah?!
Yes, si Pearl Valdez? Magkasama pa kaya sina Pearl at Baby K. Jimenez, ha, Mercy Lejarde?
***
Ay, wait! Wait! Wait! Nasa London kami, huh! Heto at may nag-text -- si Jojo Montemayor na da­ting recruiter ng mga young boys na pampelikula sa Marikina.
Nasa NLEX daw siya, stranded!
Heto ang tinext ng bakla: “S.O.S. Stranded at NLEX. Pls send load.”
Ay, ang bakla talaga!

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES