July 04, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Pasay derby bonus
 
 
Isa sa mga pinakamakulay na manlalaro ng NBA ay dadalo sa Pilipinas sa darating na July 5, 2008. Ang 26 years old superstar na miyembro ng Washington Wizards ay bibisita upang ibandera ang Adidas Agent Zero Tour 2008.
Inaasahan ang paglulunsad ng mga bagong sapatos ni Gilbert Arenas sa Mall of Asia, Rockwell, at Trinoma para sa libu-libong mga tagahanga ng NBA player na kilala din sa tawag na Gil Zero, Agent Zero at Hibachi.
Ang flamboyant na si Arenas ay kilala bilang Agent Zero dahil sa numero na taglay sa uniporme para sa Washington Wizards, numero “0” na nagsisilbing pagkutya sa mga nagsasabing “0” minutes ang kanyang lalaruin sa college basketball.
Ang hinirang na MVP noong Rookie-Sophomore All-Star Weekend taong 2003, at NBA Most Improved Player ay maalalang pinili sa 2nd round ng Golden State Warriors taong 2001 mula sa University ng Arizona.
Sa pagdating ni Gil Zero sa Hulyo, walong sapatos ni Arenas ay ipapakilala katambal ang eight core values sa basketball na kanyang pinaniniwalaan. Eto ang walong bagong mga pangalan ng sapatos na pinangalan kay Gilbert Arenas: Black President, Vote for Gilbert, Channel Zero, NBA Live 2008, Hibachi, Costumize, I Love LA, at Agent Zero.
Itatambal ang mga sapatos sa mga sumusunod na core values: confidence, commitment, passion, respect, inspiration, sacrifice, trust, at innovation.
Abangan ang paglipad ni Agent Zero sa Pilipinas. Matuto ng dapat na mga katangian na kailangan para maging isang kumpletong manlalaro ng basketball. Malaman ang istorya ng dating “zero” ang paratang na naging “hero” sa kanyang kinabukasan. Maintindihan na “Impossible is Nothing” para kay Gilbert “Agent Zero” Arenas.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES