Mababatid kung ano ang naghihintay sa Philippine delegation at iba pang member-countries ng International Olympic Committee sa pagsabak sa Beijing, host ng 29th Olympic Games.
Panauhin sina Counselor Che Yongshan, cultural affairs head ng Chinese Embassy rito, at cultural officer Gao Jingyi, sa edisyon ngayon ng weekly session ng Sports Communicators Organization of the Philippines sa Kamayan Restaurant sa Padre Faura, Ermita, Manila.
Tatalakayin ng dalawa ang competition venues, accommodation, security at iba pang aspeto ng preparasyon para sa Games na gaganapin sa Agosto 8-24.
Bibisita rin sa forum na inisponsoran ng ACCEL si Wushu Federation of the Philippines president Julian Camacho, at sina coaching consultant Filomeno ‘Boy’ Codinera at head coach Ana Santiago ng Team Manila.
Ang Team Manila ang kakatawan sa bansa sa Big League (16-18) Asia Pacific Little League girls’ softball elimination para sa World Series. |