July 04, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Bulls, Kings umaasam
(Ramil Cruz)
 
Isasapormalisa ng Red Bull Energy Drink ang pagsikwat sa pangalawang puwesto sa outright semifinals, habang magbabakasakali pang humabol ng maski playoff doon ang patok sa madlang Barangay Ginebra San Miguel.
Tampok ito sa pares ng aksyon sa penultimate day ng 2008 SMART-Philippine Basketball Association Fiesta Conference se­cond round eliminations sa Araneta Coliseum sa Quezon City ngayon.
Nakatiyak na ng playoff sa second automa­tic semis slot noong Linggo nang muling panisin ng Magnolia ang Alaska Milk, 80-79, at nag-upo rin sa Air21 sa Final Four na, susundan ng sumesegundang Bulls (may 10-6 panalo-talong baraha) ang Express sa pag-ulit sa Talk ‘N Text sa ala-siyete ng gabing muling pagtutuos.
Kagagaling lang ng brigada ni coach Joseller ‘Yeng’ Guiao sa walong dikit na pagpapataob sa Welcoat Paints noong Hunyo 25, 103-90, kaya ‘di malayong maduplika ang pagdistrungka sa TNT kagaya nang una nilang nagawa nu’ng Abril 11, 103-92.
Maski naman na sipa na sa quarterfinals -- para sa mga tatapos ng tersera hanggang panlima makaraan ang eliminasyon -- pupukpok pa rin ang pumapampitong Phone Pals (8-9) para mapaigi ang kala­gayan sa brutal na wildcard -- na single round carryover record sa elims at magpapasya sa pang-apat at pinaleng silya sa quarters -- kasabay na maibawi ang 100-89 loss sa Ginebra sa huling salang.
Kahit naman nasa pang-anim lang, may pag-asa pang makahabol ng playoff sa 2nd semis spot ang Kings (8-8) kapag nawalis ang natitirang dalawang laro, kasama ang sa Alaska Milk sa Linggo. Suba­lit dapat na matalo rin ang Bulls sa araw na ito at sa last game sa Sta. Lucia Realty.
Uumpisahan ng Kings ang milagrong misyon sa alas-4:50 ng hapong rematch din sa nasa tatlong sunod na talo, kulelat at nasipa na sa playoffs na Welcoat (4-13).

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES