July 04, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Blazers tatatlong-dikit
(Mark Escarlote)
 
Isusugal ng College of St. Benilde ang malinis na baraha sa pakikipagtapat sa Letran College sa pagpapatuloy ng 84th Natio­nal Collegiate Athletic Asso­ciation seniors basketball eliminations sa Cuneta Astrodome sa Pasay City ngayon.
Nakaupo sa solong liderato sa imakuladang 2-0 panalo-talong rekord, susubukan ng Blazers na sungkitin ang ikatlong sunod na pananaig laban sa katabla sa pangalawa hanggang pang-apat na Knights (1-0) sa alas-dos ng hapon.
Nagpasiklab agad ang Taft-based squad nang bala­sahin ang nagbabalik na Philippine Christian University, 69-65, sa opening day bago isinunod ang University of Perpetual Help, 61-54, kamakalawa.
Ngunit malaking hamon ang kakaharapin ng CSB sa pagkakataong ito dahil makakabangga nila ang 2007 runner-up Letran, na isa sa opening winners nang biktimahin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 83-69.
“It’s not going to be easy,” pana­nantiya ni Blazers mentor Gelacio Abanilla sa Knights ni coach Francisco Luis Alas. “I’m expecting a physical game against them (Letran) and they have the system in place.”
“But all we want to do is to keep the game close and let’s see what happens,” dagdag pa ni Abanilla, na muling sasandal sa kanyang mga kamador sa pangunguna nina veterans Jacob Manlapaz, Archie David, Jeffrey Morial at Garri Sevilla.
Aasa naman ang Intramuros-based cagers kina Dino Daa, shooter RJ Jazul, John Meligrito at Reymar Gutilban.
Magtatangka namang pumasok sa win column ang Heavy Bombers at ang San Sebastian College sa main-game sa alas-kuwatro ng hapon.
Bahagyang pinapaboran ang JRU kontra SSC, na kasalukuyang nasa ibaba ng standings sa masagwang 0-2 start. Natalo ang Stags sa Altas, 55-60, sa opener at sa season-host Mapua, 80-86, noong Miyerkules.
Samantala, magkakasukatan naman sa juniors’ games ang Letran Squires laban sa College of St. Benilde Junior Blazers sa alas-10:00 ng umaga habang ang Jose Rizal University Light Bombers ay makakatipan sa alas-12 ng tanghali ang defending three-time champion San Sebastian Staglets.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES