July 04, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
2 bagong Comelec officials isasabak sa ARMM polls
(Jun Tadios/Juliet de Loza)
 

Sasabak na agad sa trabaho ang dalawang bagong opisyales ng Commission on Elections (Comelec) na sina Commissioner Lucenito Tagle at Leonardo Leonida matapos italaga ng komisyon para tutukan ang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto 11.
Pagkatapos manumpa kahapon, agad silang binigyan ng trabaho ni Comelec chairman Jose Melo upang mabilis na makapa ang mga gawain ng komisyon.
Isang buwan lamang ang preparasyon nina Tagle at Leonida bago ang ARMM elections kaya gusto ni Melon na dalhin ang dalawa sa naturang rehiyon sa lalong madaling panahon para ma-familiarize ang lugar at kultura roon.
Nabatid na si Tagle ang tututok sa eleksyon sa Sulu habang si Leonida naman ang mangangasiwa ng halalan sa buong lalawigan ng Shariff Kabunsuan.
Ang dalawang bagong commissioner ay kapwa nanumpa kahapon sa kanilang puwesto matapos na italaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Retiradong Court of Appeals justice si Tagle samantalang dating acting judge si Leonida sa Malabon Regional Trial Court.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES