July 04, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Sulpicio mananagot kahit umareglo
( Aries Cano)
 

Hindi pa absuwelto sa kasong kriminal at mananagot pa rin ang pamunuan ng Sulpicio Lines Inc. kahit magpasya ang pamilya ng mga biktima ng lumubog na M/V Princess of the Stars na makipag-areglo, ayon sa Public Attorneys Office (PAO).
Ipinahayag ni PAO chief Percida Acosta na bagama’t mahihirapan ang mga abogado na magsulong ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries at damage to properties laban sa Sulpicio kung hindi makikipagtulungan ang mga naareglong pamilya ng mga biktima, tiyak umano na magpapatuloy pa rin ang kaso.
Sinabi pa ni Acosta na mayroong mga sapat na testigo at ebidensyang magdidiin sa kapabayaan ng shipping line.
Batay umano sa mga umiiral na batas, may pananagutan ang may-ari ng shipping line kahit pa ang nagkamalaki ay ang kapitan ng barko.
Samantala, nanawagan kahapon sa pamahalaan ang isang maimpluwensyang lider ng Simbahang Katoliko na magkaroon ng maayos at malinaw na pagsusuri sa mga motibo, polisiya at management guidelines para maresolba ng maayos ang trahedyang naganap sa M/V Princess of the Stars.
Umapela rin si Cebu Archbishop Cardinal Ricardo Vidal sa mga sangkot sa trahedya na itigil na ang pagtuturuan laban sa bawat isa at tulungan na lamang ang mga pamilya ng mga biktima gayundin ang mga nakaligtas sa sakuna.
Kaugnay nito, sinuportahan naman ni Caloocan City Bishop Deogracias Iñiquez ang desisyon ng Palasyo na payagang makapaglayag ang cargo vessels ng Sulpicio dahil sa negatibong epekto na idudulot nito sa ekonomiya.
Apatnapung porsiyento ng cargo handling ng mga barko sa Pilipinas ay ginagawa ng Sulpicio. Aniya, may balidong dahilan ang pamahalaan para payagan nang makapaglayag ang mga cargo vessel ng Sulpicio bagama’t dapat pa rin na managot ang mga sangkot sa trahedya.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES