July 04, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Bata ni Gloria nag-concert, tickets ipinilit sa foreigners
(Bernard Taguinod)

Sa kagustuhang hindi mapahiya at palabasin na hindi nilangaw ang kanyang “palabas”, isang tauhan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nagbenta ng ticket sa mga dayuhan.
Isang frustrated entertainer ang tauhang ito ni Mrs. Arroyo at nang hindi makamit ang kanyang ambisyong ito ay pumasok na lamang sa pulitika.
Subalit sa kabila ng tagumpay nito sa pulitika at nagkaroon pa ng posisyon ngayon sa administrasyon, hindi pa rin nakakalimutan ng mokong ang kanyang ambisyong maging “singer”.
Itinuluy-tuloy nito ang kanyang hilig hanggang sa maisipan nitong mag-concert upang magkaroon marahil ng pera bilang preparasyon sa kanyang muling pagtakbo.
Nabatid na ilang buwan ding pinaghandaan ng mokong ang kanyang concert subalit habang papalapit ang petsa ng kanyang pagpapakita ng talento, matumal ang bumibili ng kanyang ticket.
Hindi naman kamahalan ang ticket ng mokong dahil hindi naman ito talagang singer at kulang ng publisidad subalit walang bumili para siya’y panoorin.
Kinabahan daw ang mga organizer sa concert ng mokong dahil sa takot na sila’y mapagalitan pero lingid sa kanilang kaalaman, naalarma rin ang kanilang amo.
Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, ilang araw bago ginanap ang concert, biglang naubos ang ticket sa concert ng tauhang ito ni Mrs. Arroyo.
Subalit ang hindi alam ng marami, pawang mga dayuhan ang namakyaw ng ticket para sa concert ng tauhang ito ni Arroyo.
Matindi kasi ang koneksyon ng tauhang ito ni Mrs. Arroyo sa mga dayuhan kaya malamang na napilitan lamang silang bumili ng ticket dahil hindi naman daw nanonood ng concert ang mga ito.
Clue: Kung laban sa sindikato ang pag-uusapan, walang kuwestiyon sa tauhang ito ni Mrs. Arroyo na naging mambabatas ng kung ilang termino rin.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES