SINA Vandolph, Tuesday Vargas at Marky Cielo ang mga panauhin sa paboritong gag show nina Conrado Domingo at Sulpicio Potenciano na Bubble Gang ngayong Biyernes nang gabi.
Ang patalastas na BUSCOPAN ay may anim na bersyon dito.
Andiyan ang GAGS sa pagbabalita sa mga magulang na naaksidente ang kanilang anak.
Ang SPOILED BRAT na si Angelina ay may bagong alagang hayop. Nagpatulong ang bratinellang si Angelina kay yaya para lagyan ng collar ang kanyang pet.
Ang sketch na HALF-LITER ay kaugnay sa pagmahal ng gasolina.
Sa SUMBONG SUMBONG KAY BONGGANG BONGBONG ay haharapin ng magiting na TV host ang tatlong bagong reklamo.
Sa TSIMOY RECORDS, lalantakan nina Kiss Yu (Ogie) at Fanny Pasyal (Bitoy) ang sandamukal na siling labuyo.
Sa HEALTHY COMPETITION, nagsadya ang dalawang babae sa isang gym upang mabawasan ang kanilang timbang.
Ang KULONG EYEBALL ay naganap sa isang korte, kung saan titimbangin ng tatlong huwes ang kredibilidad ng tatlong saksi.
|