SA telefantasyang Dyesebel ng GMA 7, makakapanhik na si Berbola (Michelle Madrigal) sa lupa pero ibang mukha ang gagamitin niya.
Makikita siya nina Gildo (Luis Alandy) at Fredo (Dingdong Dantes).
Sa pagdating ni Isabel/Dyesebel (Marian Rivera) sa mansyon, masisilayan niya ang mukha ng bisita ni Fredo.
Magugulat siya sa makikita.
***
Ilulunsad ang modeling contest na Glamour Boys Season 4 mamayang gabi sa Ate Chin Chin Bar & Restaurant (dating Lips Bar) na nasa 152 Aurora Blvd. cor. G. Reyes St., San Juan City, malapit sa J. Ruiz station ng LRT 2.
Anim na guwaping ang rarampa.
P350 ang tiket.
Bukas naman ilulunsad sa Ate Chin Chin ang pakontes na Campus Face 2008.
***
Kakambyo na!
Bukas (Sabado) nang 7:30 PM ang advance screening ng pelikulang Kambyo sa UP Film Institute ng UP Diliman, QC.
Bida rito ang Men of Provoq na sina Gabz del Rosario at Johnron Tañada, kasama sina Harold Macasero, Ray An Dulay at Kenjie Garcia.
Sinu-sino kaya sa kanila ang nagpakita ng nota?
Talbugan kaya nila ang kapangahasan ni Josh Ivan Morales sa Ang Lihim ni Antonio?
Meron kayang makapantay man lang sa katapangan ni Harry Laurel sa Ang Lalake sa Parola?
Para makapagpareserba ng tiket, tawagan si Nonoy Lauzon sa tel.# 926-3640 (UP Film Institute).
Ang regular showing ng Kambyo ay magsisimula sa Hulyo 9 sa Robinson’s Galleria, Robinson’s Ermita at Robinson’s Metro East.
***
Pupunta si Coco Martin bukas (Sabado) sa IndieSine lobby ng Robinson’s Galleria.
Palabas kasi sa naturang sinehan ang indie movie na Tirador, kung saan isa si Coco sa mga bida.
Ang Tirador (idinirek ni Brillante Mendoza) ay naging entry sa Cinema One Independent Film Festival at ipinalabas na sa major film festivals abroad.
Pipirmahin ni Coco sa meet-and-greet event bukas ang DVD copies ng mga bumili ng indie films niya tulad ng Condo at Daybreak na parehong ini-release ng Videoflick Productions.
Excited si Coco sa gagawin niyang project with Rosanna Roces sa ilalim ng isang independent production.
***
‘Michael Jackson’ ang tawag ngayon sa isang sexy actress na bida sa isang panghapong teledrama.
Nagparetoke kasi siya ng ilong.
|