July 04, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Jericho at Carmen, pinagbintangan na dahilan kaya inatake sa puso ang kanilang direktor
 

INATAKE sa puso si Gilbert Perez, direktor ng ABS-CBN upcoming teleserye na A Time for Us, habang nagte-taping noong Hulyo 1.
Agad sinugod ni Jericho Rosales (bidang lalaki sa A Time For Us) si Direk Gilbert sa St. Luke’s Medical Center.
Sinamahan ng Malaysian actress na si Carmen Soo (katambal ni Jericho sa naturang teleserye) ang pamilya ng direktor sa pagbabantay.
Buong araw nanatili sina Jericho at Carmen sa tabi ng kanilang mahal na direktor.
Hindi nila iniwan si Direk.
Si Direk Gilbert, na madalas tawaging bilang ‘Manong Gilbert’ ng TV production industry, ay may kasaysayan na ng sakit sa puso.
Ito ang kanyang panga­lawang atake.
Habang si Manong Gilbert ay patuloy na nakikipaglaban sa sakit na sinapit, may mga malis­yosong intriga na kuma­kalat na sina Jericho at Carmen daw ang dahilan ng pagkaka-atake sa puso ng nasabing direktor.
Nakikiusap ang ABS-CBN sa mga taong patu­loy na ikinakalat ang walang katotohanang impormasyon na tigilan na ang ispekulasyon.
Sa ngayon ay nananatili pa rin si Manong Gilbert sa Coronary Care Unit ng St. Luke’s Medi­cal Center.
Ang Kapamilya Network ay patuloy na mino-monitor ang kanyang kalagayan at pinakikiusapan ang publiko na patuloy na manalangin para sa kanyang mabilis na pag-galing.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES