BAGO kami mag-theater tour nina Annabelle Rama, JC de Vera at Michelle Madrigal noong Miyerkules para sa My Monster Mom ay tinawagan si Bisaya ni Noel Ferrer ng GMA Films para ipaalam na may service van na naghihintay sa GMA 7.
“Sige, ‘dong, sasabay na lang ako sa van service para makatipid ako sa gasolina at ang mahal na ng gasolina ngayon,” sey ni Bisaya sa kausap niya sa kabilang linya.
Nagbigay ng instruction si Bisaya sa kanyang driver.
“Sa GMA 7 na tayo, sasakay na lang kami sa service van para makatipid tayo sa gasolina. Ang mahal-mahal pa naman ng gasolina ng van na ‘to,” sey ni Bisaya sa kanyang driver.
Pagdating sa GMA 7 ay lumipat kami sa service van. Pagdating namin sa EDSA-Kamuning ay nagtatatalak si Bisaya.
“Bakit sumusunod sa atin ‘yung van ko? Nakakaloka ‘tong driver ko, kaya nga hindi ko ginamit ‘yung van ko at sumakay ako rito sa service van ng GMA 7 eh para makatipid ako at ang mahal ng gasolina!” litanya ni Bisaya at kaagad tinawagan ang kanyang driver at pinagsabihan.
Pagkatapos tumalak ni Bisaya ay biglang nag-iba ang mood niya dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa pinsan niya sa Cebu at ibinalitang pinipilahan doon ang kanyang My Monster Mom.
Marami pang tawag na natanggap si Bisaya mula sa kanyang mga kaibigan para magkuwento na nanood na sila ng My Monster Mom.
Biniro ko si Bisaya, “Naku, parang eleksyon, ha! Marami kang tinatanggap na reports mula sa iba’t ibang lugar. Parang reports ng partial returns kapag may eleksiyon!”
Tawa lang nang tawa si Bisaya sa sinabi ko.
***
Habang nagpapahinga kami sa theater tour, kinumbinsi ni Bisaya ang alagang si Michelle na bumili na ng sasakyan.
Sa ngayon kasi ay sasakyan ni Bisaya ang ginagamit ni Michelle.
“Para mas sipagin ka pang magtrabaho. At least, kapag may binabayaran kang monthly na sasakyan, hindi ka tatamarin sa mga taping. Alam mo kasing may obligasyon ka,” sabi ni Bisaya sa alaga.
Nang umoo si Michelle, sinamahan siya mismo ni Bisaya sa isang car dealership at ngayon nga ay may sarili nang sasakyan ang dalaga.
Sey ni JC, ganoon din ang eksena nila ni Bisaya. Pinilit-pilit din siya ni Bisaya na bumili ng sariling sasakyan at ngayon ay nakailang sasakyan na rin ang binata.
Katulad ni Bisaya, masayang-masaya rin sina JC at Michelle sa tagumpay ng My Monster Mom.
***
Naloka ang isang young sexy actress nang malamang nagtampo sa kanya ang isang comedian/singer dahil umamin siya sa isang talk show na kinulit-kulit siya nito, pero hindi siya bumigay.
“Totoo naman kasing text siya nang text. Ang kulit niya, pero never akong bumigay sa kanya.
“Nagsabi lang ako ng totoo, kaya bakit siya magtatampo sa akin?
“Saka mas mabuti na nga ‘yon dahil hindi na niya ako kinukulit pa ngayon,” pahayag ng young sexy actress.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com
|