MINNEAPOLIS (AP) --- Nakakasilip si Al Jefferson at ang Minnesota Timberwolves nang paparating na mga magagarang araw. At ang itumbang muli ang Phoenix Suns ang isang malinaw na senyales ng progreso.
Rumagasa si Al Jefferson ng career-high 39 points at 15 rebounds nang pumosteng magkasunod na panalo ang Timberwolves sa bwenamanong pagkakataon sa season, isang 117-107 resulta laban sa lider sa Western Conference ng National Basketball Association noong Miyerkules ng gabi.
“I think they have kind of turned the corner,” banggit ni Suns coach Mike D’Antoni.
Si Amare Stoudemire ang bumuhat sa Phoenix sa 33 pts., subalit naka-19 lang sa huling 43 minuto. May record na 30-13 ang Suns sa likod ng Boston Celtics para sa liderato sa liga kahit na nalagot ang apat na kabit nitong panalo.
“It’s time now. It’s time to start turning this thing around and start building for next year,” wika ni Jefferson, na tumrangko sa Minnesota (7-34) sa pag-abante ng 21 points sa first half.
Ang tikadang 3-pointer ni Leandro Barbosa na malapit sa 4-minute mark ang tumapyas sa bentahe sa 102-92, ngunit sinundan ito ni Jefferson nang paglusob kay Stoudemire at nakakuha ng foul kay Raja Bell para sa three-point play at distansyahan pang muli ang Suns.
Nakipagkapit-kamay rin sina Marko Jaric, Ryan Gomes, Sebastian Telfair, Corey Brewer, Craig Smith at Antoine Walker. Magaling pang hinawakan ng Wolves ang bola (may 11 turnovers lang) at namantine ang tamang espasyo para mabigyan nang maraming opsyon si Jefferson na nakaani nang maraming harang sa poste.
“And sometimes he beat the double team,” sabi ni Gomes.
|