Pormal na nasungkit ng defending champion Far Eastern University (FEU) ang ikalawang ‘Final Four’ seat sa UAAP men’s volleyball tournament sa pamamagitan ng pagdispatsa sa University of the Philippines, 25-19, 25-23, 27-25 sa Blue Eagles Gym noong Miyerkules.
Pumalo si super-scorer Edjet Mabbayad ng 20 points, 16 dito ay mula sa mga atake, samantalang nagdagdag pa si Joshue Alcarde ng 13 hits para sa Tamaraws, na nakakuha ng pinagsamang 23 markers mula kina Francisco dela Cruz at Jeff Magnaye.
Gumanda pa ang kapit ng FEU sa second place sa kanilang 9-1 kartada.
Nag-ambag naman ng tig-10 puntos sina Paolo Martinez at Michael Jordan Arda para sa Fighting Maroons, na bumalagbag sa kanilang ikaapat na talo sa 10 laro.
Sa iba pang laro, pinalawig pa ng early semifinalist University of Sto. Tomas ang kanilang winning streak sa 10, sa pamamagitan ng 25-18, 27-29, 25-17, 25-17 victory laban sa Adamson.
|