Sisiguraduhin ng Red Bull Energy Drinks ang pagdaong sa semifinals dahil sa tatlong beses nang pagmulagat sa Magnolia Fruit Drinks, gayundin ang Alaska Milk kontra Coca-Cola ngayon sa Cuneta Astrodome.
Binantayog ng Red Bull at Alaska ang ‘di lang pagiging liyamado base sa kanilang seedings sa yugtong ito kundi pinagtorototan na ‘di tsamba ang dalawang beses na mga pagtigbak sa mga oposisyon sa eliminations.
Hinayaan ng Bulls na maglahong parang bula ang pitong puntos na abante at umahon sa pagkalubog sa 10 points para maiwaksi ang Beverage Masters, 107-107, sa Game One kamakalawa ng best-of-three quarterfinals ng 2007-08 Smart Philippine Basketball Association Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“We have their numbers but we have to beat them one more time. Definitely, we will go for it in our next game,” deklarasyon ni Red Bull coach Yeng Guiao, na kapag pinalad uli sa race-to-two win ay katapat na ang top seed Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa best-of-seven semifinals.
Ang Aces sa kabilang banda’y sumandal sa pagragasa sa pinaleng kanto para lagutin ang tatlong dikit na pananalanta ng Coke, 89-82, at halos maihulma na ang pakikiduwelo sa No. 2 Sta. Lucia Realty.
“All we can do next game is make it difficult for Asi Taulava to operate inside by limiting his scoring production,” hayag naman ni Alaska bench tactician Tim Cone. “I was really expecting a tougher game because it’s really hard to contain Taulava.”
Kinapos lang ang 6-9 slotman ng isang rebound para mapantayan ang personal best na 26 sa pagsapaw ng Tigers sa Aces sa nasabing game’s department, 59-49. (RC)
|